• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ng social media sensation na si Xander Ford na isa siyang bahagi ng LGBTQIA community.

Xander Ford, iniladlad ang tunay na kasarian

Inamin ng social media sensation na si Xander Ford na isa siyang bahagi ng LGBTQIA community.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/17/2020 05:04 PM
Xander Ford, iniladlad ang tunay na kasarian
Photo Credit: @z4nder.official Instagram

Kinumpirma ng social media personality na si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay ang kanyang tunay na kasarian.

Sa kaniyang mga Instagram story, inamin ni Xander na bahagi siya ng LGBTQIA+ Community.


“I am part of LGBTQ Community #bisexual”, post ni Xander sa Instagram story.

Bukod sa Instagram story, makikita rin ang salitang “Bisexual” kasunod ang bahagharing logo sa Instagram profile ni Xander.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Don't judge a book by its cover that's something i try to live by because things are not usually what they seem like!

A post shared by Xander Ford (@z4nder.official) on

Nakilala si Xander bilang si Marlou na bahagi ng nabuwag nang boy group na “Hasht5”.

Isa rin si Xander sa pinag-usapang pangalan noong 2017 dahil sa kaniyang major transformation na napanood sa programang “Rated K” ni Korina Sanchez.

READ: Xander Ford sa mga gusto makipagdate sa kanya: 'Pass muna!'