• Home
  • Fresh Scoops
  • Migs Villasis, walang nakikitang masama sa pagkakaroon ng gay admirers.

Celeb athlete Migs Villasis says he’s open to a possible relationship with another man

Migs Villasis, walang nakikitang masama sa pagkakaroon ng gay admirers.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/17/2020 12:03 PM
Celeb athlete Migs Villasis says he’s open to a possible relationship with another man

Ayon kay Migs Villasis, lead actor ng Pinoy BL series na In Between, hindi siya nakaramdam ng kahit anong awkwardness habang ginagawa niya ang mga intimate scenes with volleyball star ng UST na si Genesis Redido sa syuting ng kanilang digital project.

“Hindi po. Work naman po ito, eh. At kapag nasa set naman na po ako hindi na si Migs Villasis yon, ibang tao na po yon,” kaswal na pahayag basketbolista ng Trinity College of Asia.

Dagdag ng binata, “May mga eksena kaming hirap na hirap talaga, pero kinaya namang gawin. Nakatulong nang malaki yung pinagawa sa amin ni Direk na dapat magkaroon kami ng moment kahit wala sa shoot para mas makilala namin ang isa’t isa.”


Bilang isang straight guy at hunk na basketball player, naka-experience na ba siyang maligawan ng mga bading? Ano ang reaksyon niya dito?

“Okey lang naman po yon, yung maligawan at ma-crushan ka nila,” pagtatapat niya. “Wala naman po akong nakikitang masama do’n kasi nagpapakita lang naman sila ng kanilang nararamdaman. Mas masaya nga ako na may mga ganun, ibig sabihin may nakakapansin sa akin.

“Kaya lang, wala pa po akong nakarelasyon or experience sa ganun. Mas focus ako sa laro, eh, saka sa pagta-try sa showbiz at saka wala rin talagang naging consistent manligaw,” nakangiti at pabiro niyang pahayag.

On a serious note, hindi niya isinasara ang posibilidad na matulad siya sa character niya sa In Between na na-in love sa kapwa lalaki.

Katwiran ni Migs, “Wala rin naman kasing imposible na magkagusto sa katulad mo, kasi nga sa pag-ibig, love knows no gender. Basta true love wala pong problema. Pero kung aura-aura lang, yon ang mahirap.

“Para kasi sa akin, pagdating sa pag-ibig walang label-label yan, eh. Ang importante mahal niyo ang isa’t isa, walang lokohan.”

Ang In Between ang kauna-unahang lead role ni Migs sa isang series, pero halos tatlong taon na rin siyang nagta-try sa showbiz.

“May ilang projects na rin po ako dating ng nagawa kaso mga support role lang po. Sinubukan ko na ring kumanta kaya lang hindi naman talaga ako singer,” natatawa niyang kuwento.

“Yung boses ko parang lasing lang. Hahaha! Ginagawa ko yon para mag-explore kung ano ba talaga ang kaya ko, kung pwede ba ako sa larangan na yon, at ginawa ko rin po yun para ma-boost yung confidence ko kasi sobrang mahiyain po talaga ako dati,” he said.

Samantala, ayon sa director ng In Between na si Briliant Juan, aasahan daw ang pagdi-display ng katawan ng dalawang hunky celebrity athletes sa digital series.

“Para saan pa kung hindi nila ipapakita ang kanilang pinaghirapang mga katawan dito sa In Between. Yung mga iniisip nila at gustong makita, ibibigay namin,” sey pa niya.

Ang In Between ay produced ng  Uncle Scott Global Produtions, Unframed Film Production at Fringe Multimedia Production. Napanood ito sa USPH TV YouTube Channel.