• Home
  • Fresh Scoops
  • Palaisipan ngayon sa netizens ang pahayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kaniyang Instagram story.

Catriona Gray, bumuwelta sa patutsada ng ex na si Clint Bondad?

Palaisipan ngayon sa netizens ang pahayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kaniyang Instagram story.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/17/2020 08:50 PM
Catriona Gray, bumuwelta sa patutsada ng ex na si Clint Bondad?

“The weapon may be formed, but it won’t prosper. When the darkness falls, it won’t prevail.”

Ito ang mensahe ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, kasunod ng mga naging post ng kaniyang dating nobyo na si Clint Bondad, na hot topic ngayon sa social media.

Sa Instagram story ng Pinay beauty queen, ibinahagi nito ang lyrics mula sa "See A Victory” ng bandang Elevation Worship. Sinasabi ng ilang taga-hanga ni Catriona na ito ang sagot niya sa posts ng dating nobyo. 


“The weapon may be formed but it won't prosper. When the darkness falls it won't prevail. 'Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail.”

Ilan sa mga post ni Clint sa social media ang may iba-iba nang interpretation mula sa mga netizens, tulad ng pananawsaw at panunulot umano ni Sam Milby sa relasyon nila ni Catriona pati ang pagsabi na sa tingin nila ang salitang “client” na idinidikit ni Clint sa aktor at sa beauty queen ay ang umanoy pag-gamit umano ng isang dating app ni Sam, na  sinasabing “clue” sa kaniyang social media posts.

READ: Clint Bondad tops Twitter PH’s trending topics following cryptic IG posts

Matatandaan na ilang buwan pa lamang ang nakalipas nang aminin ni Sam ang matamis at mabuting pagtitinginan nila ni Catriona na ikinatuwa ng kanilang mga taga-hanga. 

WATCH:

Itinanggi ni Sam at Catriona na may namumuo sa kanilang relasyon noong 2018 at sinabing magkaibigan lamang sila. 

Noong July ng 2019, sa isang panayam sa press, sinabi lamang ni Sam na meron siyang inspirasyon at ipapaalam niya kung sino ito sa tamang panahon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Worth every second of the wait. Most special birthday yet ♥️

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

 

"I'm interested and inspired by somebody. I'm interested. It's too early naman basta in the future if it pushes through and something happens I'll share with you guys.Semi-showbiz. Basta if ever.. I'm not giving you any clues on it anyway,"