• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Maris Racal, malinaw na nasagot lahat ng ABS-CBN ang mga paratang laban dito.

Maris Racal, hindi maintindihan kung bakit iba ang resulta sa Congress hearings

Para kay Maris Racal, malinaw na nasagot lahat ng ABS-CBN ang mga paratang laban dito.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/16/2020 11:15 AM
Maris Racal, hindi maintindihan kung bakit iba ang resulta sa Congress hearings
Photo Credit: @mariesteller Instagram

Aminado ang Kapamilya star na si Maria Racal na isa siya sa labis na nalungkot para sa mga kapwa Kapamilya ngayon sa pinagdaraanan ng ABS-CBN.

Kasunod ito nang pagpatay nang congress sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa panayam kay Maris sa digital launch ng iWant series na Beauty Queens, naghayag siya ng saloobin sa pinagdaraanan ng kompanya at para sa mga kasamahan na bahagi ng network.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I miss dressing up. #tb

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

 

“Siyempre noong araw na ‘yun lahat po kami nalungkot talaga, sobrang emotional ng day na ‘yun para sa atin,” ani Maris sa panayam.

Aniya, bilang isa sa mga tutok sa 12 congress hearings, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya nang malaman ang naging resulta na ibinaba ng mga congressman para sa ABS-CBN.

“Disappointment, frustration, kasi hindi mo maintindihan kung bakit ganun ‘yung resulta siyempre sa buong 12 hearings po parang nag expect ka na papakinggan nila tayo, so nagulat po talaga ako,” sabi pa ng Kapamilya star.

Hindi man naging maganda ang resulta, umaasa si Maris na mabigyan pa din ng pagkakataon ang ABS-CBN na makapagserbisyo sa mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“I’m still hoping na sana mabigyan pa tayo nang pagkakataon kasi pandemic po ngayon, importante po na may trabaho ang mga tao.”

Bilang contract artist ng Star Magic Artist ang management arm ng ABS-CBN, hindi rin naiwasan na tanungin si Maris kung may alok na ba sa kaniya mula sa ibang netwrok para ipagpatuloy ang kaniyang pag-artista.

Mabilis na sagot ni Maris, “Wala po.”

Paliwanag niya: “Same pa rin naman, I’m under iWant (now) excited pa rin po ako na mag-trabaho at mabigyan ako ng pagkakataon tulad nito.”

Mapapanood ang Beauty Queens series sa iWant at TFC online.