• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang prayer ang ipinost ni Julia Montes para sa kanyang home network at mga empleyado nito.

Julia Montes nag-alay ng panalangin para sa mga kasamahan sa ABS-CBN

Isang prayer ang ipinost ni Julia Montes para sa kanyang home network at mga empleyado nito.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/16/2020 03:14 PM
Julia Montes nag-alay ng panalangin para sa mga kasamahan sa ABS-CBN
Photo Credit: @montesjulia08 Instagram

Matapos tuluyang di ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN noong July 10, nag-anunsyo na ang TV network na magkakaroon na ng retrenchment sa mga empleyado nito.

Kaya naman sa kanyang Instagram, isang panalangin ang ipinost ni Julia para sa mga kasamahan sa Kapamilya network. Nag-alala ang aktres para sa mga empleyado na may mga umaasa sa kanilang kinikita.

Ipinagdasal din ng aktres na sana ay manaig ang katotohanan sa lahat.


“Lord tulungan nyo po kame ... hindi na biro ang ginagawa sa aming mahal na tahanan... paano po ang mga anak nyo na umaasa sa Kumpanya kame po ay lumalapit na gabayan nyo po kame sa laban na ito ... Imulat ang lahat sa TAMA at TOTOO.”

 

 

Noong Pebrero ngayong taon, kakabalik lamang ni Julia sa pag-arte matapos ang halos isang taong pamamanhinga kasama ang kaniyang ama sa Germany.

Kasama ni Julia sa kanyang comeback na 24/7 sina Arjo Atayde, Matt Evans, Melissa Ricks, Meryl Soriano, Joem Bascon at marami pang iba.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Another episode ngayong Sunday na.... ❤️

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

 

Magbabalik teleserye na sana ang Kapamilya star sa “Burado” kasama naman sina Nadine Lustre, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino, at Thai actor Denkhun Ngamnet.

LOOK: Nadine, Julia and the rest of ‘Burado’ stars in ‘action-packed’ teaser photos

 

 

Naudlot ang pagshu-shooting ng palabas dahil sa COVID 19 pandemic, na sinundan pa ng pagdeny sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.