• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Sinulog Queen Monika Afable na naghanap ng pagkakakitaan habang nasa quarantine.

Epekto ng Pandemic: 2020 Sinulog Queen tindera na ng bicho bicho

Isa si Sinulog Queen Monika Afable na naghanap ng pagkakakitaan habang nasa quarantine.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/14/2020 02:46 PM
Epekto ng Pandemic: 2020 Sinulog Queen tindera na ng bicho bicho

Kung marami sa ating mga kababayan kabilang ang ilang personalidad ang nagkaroon ng sideline sa online selling at ibang business ventures na pagkakakitaan sa panahon ng pandemya, pasok sa listahan ang 2020 Miss Sinulog na si Monika Afable na dumiskarte at di ikinahiya na tindera na ngayon ng “bicho bicho” o tinapay na coated ng asukal.

Daily na umiikot sa bahay bahay si Monika sa kanilang lugar sa Barangay Sisa Balan at inilalako ang kanyang special na paninda para sa mga ka barangay. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🥐🥮

A post shared by Monika Afable (@monikaafable) on

 

Walang dapat ikahiya at proud sa kanyang marangal na sideline ang beauty queen para makatulong sa kanyang pamilya ngayong nasa krisis ang bansa dulot ng Covid-19.

Nakilala sa pageant world lalo na sa Visayas Region si Monika ng makuha niya ang korona bilang Reyna ng Sinulog ngayong taon.