• Home
  • Fresh Scoops
  • Binisita ni Senatorial wife Jinkee Pacquiao ang kanyang hometown matapos makatanggap ng kritisismo dahil sa pagpopost niya sa social media ng kanyang marangyang buhay.

TINGNAN: Jinkee Pacquiao, nagbalik-tanaw sa kaniyang simpleng pamumuhay sa Sarangani

Binisita ni Senatorial wife Jinkee Pacquiao ang kanyang hometown matapos makatanggap ng kritisismo dahil sa pagpopost niya sa social media ng kanyang marangyang buhay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/13/2020 05:36 PM
TINGNAN: Jinkee Pacquiao, nagbalik-tanaw sa kaniyang simpleng pamumuhay sa Sarangani

“Ang 'kariton' (bow).”

Ito ang bungad sa caption ni Jinkee Pacquiao, misis ni Senator Manny Pacquiao, sa kaniyang Facebook page, na kasalukuyang nasa kanilang hometown sa Sarangani.

Kasunod ito ng trending na designer bicycle post ni Jinkee na pinuna ng aktres na si Agot Isidro.


READ: Kampo ni Jinkee Pacquiao, bumuwelta kay Agot Isidro

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakablik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako, kung saan ako lumaki at nag-aral ng elementary,” sabi pa ni Jinkee sa caption ng kanyang larawan.

Aniya, ibang saya ang kaniyang naramdaman sa kanyang pagbisita sa bayan kung saan siya nagsimulang mangarap.

“Ang saya-saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon.Sinasama kami noon papunta sa bukid, sa niyugan ng tatay ko, sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot!” aniya.

Sinabi din ni Jinkee na mapapanood din ang kanilang pagbisita sa kanyang hometown sa kanyang YouTube channel soon.