• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng aktor at singer na si Marlo Mortel na bagama’t mukhang masayahin at walang problema siya sa panlabas, ‘deep down inside I'm dying.’

Marlo Mortel, dumaan sa matinding depression at mental breakdown

Sinabi ng aktor at singer na si Marlo Mortel na bagama’t mukhang masayahin at walang problema siya sa panlabas, ‘deep down inside I'm dying.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/12/2020 03:00 PM
Marlo Mortel, dumaan sa matinding depression at mental breakdown
Photo Credit: @marlomortelmusic Instagram

Inamin ni Marlo Mortel sa short chat namin sa kanya sa Messenger na dumaan siya sa matinding anxiety at mental breakdowns nitong mga nagdaang araw. Ito pala ang dahilan kung bakit lately ay hindi siya active mag-post ng mga ganap niya sa social media.

“Hi Tito, I don’t know if you saw my latest post. Nagdaan ako sa matinding anxiety at mental breakdowns nung mga nakaraang linggo kaya hindi ako masyadong nakaka-reply. Pero ngayon slowly recovering na po,” lahad sa amin ng aktor at Umagang Kay Ganda segment host.

Binalikan namin ang latest post ni Marlo sa kanyang social media account at nakasaad dito na ang paglaban niya sa anxiety, depression at mental breakdowns ang isa sa pinakamatinding battle niya sa buhay.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Spirit lead me where my trust is without borders, let me walk upon the waters wherever you would call me.

A post shared by Marlo Mortel (@marlomortelmusic) on

 

“Missed me? I MISSED me. If you saw my latest vlog, I admitted that I suffered anxiety/depression/mental breakdowns in the past weeks.

“I’m still recovering & slowly healing. It’s the hardest battle I‘ve ever fought & it’s true that you wouldn’t even notice a person who’s going through that situation,” sabi niya sa kanyang post.

READ: Is Marlo Mortel joining the ‘American Idol’ auditions next year?

Okay naman daw siya at nakakatawa pa rin pero nasa loob yung matindi niyang nararamdamang depression.

Pahayag ng binata, “Whenever people ask me how I am, I could easily put on a smile and tell them I’m okay, but deep inside I’m dying. 

"I thank my family & friends who stood by me. Most especially GOD who saved me. Only YOU & your words could give us Peace. Never doubt. Believe.”