• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nagdalawang isip ang mga bituin ng ABS-CBN na mag bigay suporta para sa laban ng network.

Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Angel Locsin kasamang dumulog ng mga empleyado sa Kongreso

Hindi nagdalawang isip ang mga bituin ng ABS-CBN na mag bigay suporta para sa laban ng network.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/10/2020 03:03 PM
Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Angel Locsin kasamang dumulog ng mga empleyado sa Kongreso

“YES TO ABS-CBN FRANCHISE!

Ito ang sigaw ng mga empleyado ng ABS-CBN kasama ang ilan sa mga artista ng Kapamilya network na kapit bisig sa kanilang pagdulog sa kongreso nitong Biyernes, July 10.

Sa kuha ng ABS-CBN News, makikita ang pagsama sa Caravan to Congress ng mga bituin na sina Angel Locsin, Elisse Joson, Nikki Valdez, Kathryn Bernardo at ang aktor na si Piolo Pascual na pinatunayan ang kaniyang loyalty sa Kapamilya network.


READ: Piolo Pascual sa pamba-bash sa kanya: ‘I love my country regardless of who the President is’

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kabila ng sikat ng araw hindi napigil sa kanilang pag bibigay suporta ang mga bituin para sa kanilang mga kasamahan sa ABS-CBN na posibleng mawalan ng trabaho kung hindi mabibigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Ngayong araw, July 10, malalaman ang resulta ng boto ng mga Congressman matapos 12 congress hearing na dinaluhan ng ABS-CBN executives kung saan sinagot ang alegasyon ng paglabag umano sa batas ng kompanya mula sa Citizenship issue ni Gabby Lopez, usapin ng buwis, labor law, at ang paglabag umano prangkisa ng network sa pag-gamit ng TV Plus.

RELATED NEWS: 12 hearings, 100 hours spent for parity on ABS-CBN's franchise bid: Defensor

Sa ngayon, patuloy ang dasal at panalangin ng maraming taga suporta ng network na maipagpatuloy pa ang serbisyo publiko para sa bawat Pilipino.