• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kabila ng new normal, sama sama sa isang environmental advocacy ang mga theater artists.

Kakai Bautista, Aicelle Santos, theater artists unite for climate change advocacy

Sa kabila ng new normal, sama sama sa isang environmental advocacy ang mga theater artists.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/10/2020 09:31 AM
Kakai Bautista, Aicelle Santos, theater artists unite for climate change advocacy
Photo Credit: @gabaykalikasan Instagram

United para sa layunin sa pangangalaga sa kalikasan ang mga Filipino theater artists sa isang online advocacy concert na Tatsulok: A Trilogy For Change.

 

 

Ang Tatsulok: A Trilogy For Change ay pangungunahan ng mga theater performers na sina Menchu Lauchengco-Yulo, Gian Magdangal, OJ Mariano, Phi Palmos, Boo Gabunada, Bibo Reyes, Gab Pangilinan at Jon Santos kasama sina Aicelle Santos at Kakai Bautista.

Sa pakikipagtulungan ng PLDT-SMART Gabay Kalikasan, ibabahagi ng mga Pinoy theater artists ang isinusulong na sustainability program ng Gabay Kalikasan sa marine protection, mangroves connection. at reforestation.

Sa isang video uploaded sa kanilang social media account, ipinaliwanag ni PLDT SVP and Group Controller at Chief Sustainability Officer na si Chaye Cabal-Revilla, ang ilan sa kanilang programang pang-kalikasan na pakikinabangan ng susunod na henerasyon.

“We in PLDT group including Smart and ePLDT will be contributing our technology and innovative solutions that can help conserve, protect, and restore our peatlands. We shall do this the same way we have rolled out our internationally recognized environmental stewardship programs in reforestation, mangroves connection, and marine protection.

 

 

“All these are under our sustainability group’s Gabay Kalikasan program aimed to help curb and fight climate change along with our overall effort and commitment to become carbon neutral before 2030,” pahayag Chief Sustainability Officer ng Gabay Kalikasan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na bumuo ng isang online benefit concert ang Gabay Kalikasan. Sa katunayan, nagiging daan na rin ito para mabigyan ng pagkakataon ang theater artists na ipamalas pa rin ang kanilang talento kasunod ng pananamlay ng entertainment industry dahil sa krisis ng bansa ngayon sa COVID-19.

Sa kanilang mga social media post naman looking forward na sina Kakai at Aicelle na nagpa-abot ng kanilang kasiyahan na mapabilang sa proyekto.

 

 

“Masayang mapabilang sa isang proyektong may adbokasiya para sa Inang Kalikasan!” caption ni Kakai sa post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Truly enjoyed shooting for this Saturday's (JULY 11, 8PM) TATSULOK: A TRILOGY FOR CHANGE for @gabaykalikasan! Please watch.๐Ÿ’š Kalikasan. Bayan. Dios. Sabay Mahalin. Di puedeng paghiwalayin. Saan tayo magsisimula? Sa isang bagong pananaw kung saan Ang Kalikasan, Ang Bayan at ang Kalooban ay magkakaisa. Sana ay magbunga ito ng isang kaisipan kung saan ang lahat ay magkakaugnay. Featuring 17 artists who have never shared the same stage before will unite this Saturday JULY 11 in the confines of your home. ๐ŸŒฑ๐ŸŒ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Via Antonio Ruiz Kakai Bautista Catherine Poppert Aparis Bernadas Joshua Camacho Bulot Sheila P. Francisco Anna Luna Giancarlo Magdangal Nicco Manalo Shernic Oj Mariano Phi Palmos Phillippรฉ Gab Pangilinan Bibo Reyes Giob Rodriguez Aicelle Santos - Zambrano Jon Santos Jamie Esteva Wilson Menchu Lauchengco Yulo Watch it via Gabay Kalikasan FB page and Youtube Channel. Hatid sa atin ng PLDT Home in support of @GabayKalikasan. Concept & Script: Floy Quintos Musical Direction & Arrangement: Krina Punsalan Cayabyab & Myke Salomon Direction: Dexter Martinez Santos Video Editing / Animation: Joyce Sahagun Garcia ( Head ) Quennie Labrador Mark Drew Labrador Steven Tansiongco Karlo Erfe Ralph Tuazon Nicole Chua Additional Sound Mixes: Toto Sorioso Costume Styling & Props Design : Mitoy Sta. Ana Props Execution: Ohm David Poster Design: Mikko Angeles Choreography: Stephen Viรฑas Production Manager: Janice Dee Associate Production Manager: ChieChai Villanueva Assistant Production Manager: Cez Urrutia Researchers: Mara Agleham & Christel Manalo Production Assistant: Jay-r Inocencio Production Runner: Ryan Englis Broadcasting & Production: Pinoy Echo #TatsulokATrilogyForChange #GabayKalikasan #ClimateChange

A post shared by Aicelle Santos ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ (@aicellesantos) on

“Truly enjoyed shooting for this Saturday,” pahayag ni Aicelle sa post.

Mapapanood ang Tatsulok: A Trilogy for Change ngayong Sabado, July 11 sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Kalikasan sa direksyon ni Floy Quintos.