• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala din ni Gloc-9 ang mga panahong naglilinis siya ng basura, kubeta at kanal bago pasukin ang mundo ng OPM.

Gloc-9, ipinagmalaki ang pagbebenta ng fried chicken sa gitna ng pandemya

Inalala din ni Gloc-9 ang mga panahong naglilinis siya ng basura, kubeta at kanal bago pasukin ang mundo ng OPM.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/10/2020 07:39 PM
Gloc-9, ipinagmalaki ang pagbebenta ng fried chicken sa gitna ng pandemya
Photo credit: @glocdash9 on Instagram and gloc-9 on Facebook

Sa kasagsagan ng pandemya, marami ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa industriya ng OPM ang nawalan ng trabaho dahil sa kakulangan ng live events. 

Ngunit sa gitna ng pagsubok, gumawa ng kani-kaniyang paraang ang marami sa kanila para kumita. Kagaya ng rapper na si Gloc-9 na nagbebenta ng kung anu-ano ngayon para may mapagkakitaan. 

Sa isang Facebook post, ipinagmalaki ni Gloc-9 ang pagbebenta niya ng fried chicken sa gitna ng pandemya. 


Akala nyo content lang no?! Heto na!!! Sa halagang P350 matitikman nyo na ang #friedchickennigloc9 ORDER NA!!!! Just txt...

Posted by gloc-9 on Wednesday, July 8, 2020

Ayon kay Gloc-9, hindi na bago sa kanya ang maghanap-buhay sa labas ng industriyang kinabibilangan niya sapagkat naglilinis siya noon sa mga basurahan, kubeta, at kanal. 

“May nag tanong sa akin ‘idol bakit ka nag bebenta ng kung ano ano? Hindi bagay sa ‘yo.’ Sabi ko sa kanya. ‘Tol wala namang masama siguro doon di ba? At alam mo ba na kasama sa trabaho ko noon bago ako mag rap ay mag linis ng basurahan, kubeta at kanal?” 

Saad pa ni Gloc-9, walang dapat ikahiya sa paghahanap-buhay lalo pa’t kung marangal naman ito. 

Ani Gloc-9: “Tandaan nyo mga kababayan iba na ang panahon natin ngayon kailangan nating lumaban para mabuhay para sa mga mahal natin. Wala kang dapat ikahiya kung ang trabaho mo ay marangal at wala kang tinatapakang kapwa mo. Kaya natin ito! APIR!”

May nag tanong sakin “idol bakit ka nag bebenta ng kung ano ano? Hindi bagay sayo.” Sabi ko sa kanya. Tol wala namang...

Posted by gloc-9 on Thursday, July 9, 2020

Ipinanganak na si Aristotle Pollisco, isa si Gloc-9 sa mga tinitingalang rap artists sa bansa. 

Bagama’t kilala na noong ‘90s, unang sumikat si Gloc-9 taong 2003 ng ilabas ang kanyang solo album sa Star Music. 

Ilan sa mga sikat niyang kanta ang “Hari Ng Tondo,” “Simpleng Tao,” at “Sirena.”