Makukulay na personal protective equipment ang ibinida ng direktor at artist na si Louie Ignacio.
Sa Instagram, ipinakita ni Direk Louie ang kanyang mga sariling disensyo sa mga ready-made face shield na nabibili online na mas nagmukhang mamahalin dahil sa mga kakaibang disenyo na kanyang nilagay dito.
Sa ngayon, hindi pa tiyak kung for sale ang mga mask man dinidisenyo ni Direk Louie na umaani ngayon ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan sa social media.