• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Angel Aquino na tulad ng mga kanyang kapwa artista ay nangangamba siya sa maaaring maging epekto sa entertainment industry sakaling maipatupad ang panukalang batas na

‘The consequences are terrifying’: Angel Aquino tutol sa anti-terrorism bill

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Angel Aquino na tulad ng mga kanyang kapwa artista ay nangangamba siya sa maaaring maging epekto sa entertainment industry sakaling maipatupad ang panukalang batas na

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/09/2020 12:22 PM
‘The consequences are terrifying’: Angel Aquino tutol sa anti-terrorism bill
Photo credit: @imangelaquino Instagram

Isa ang aktres na si Angel Aquino sa mga personalidad sa showbiz na mariing kinokondena ang pagpasa ng kontrobersyal na anti-terrorism bill. 

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na tulad ng mga kanyang kapwa artista ay nangangamba siya sa maaaring maging epekto sa entertainment industry sakaling maipatupad ang panukalang batas na ito. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hindi tayo titigil. Hindi tayo mananahimik. #labankapamilya #wedidnotviolatethelaw

A post shared by Angel Aquino (@imangelaquino) on

 

“Maraming natatakot na artists because this is closer to home," ani Angel.

“The vagueness of the definition of the crime of terrorism in this bill is prone to abuse. Magdadalawang isip kami sa paggawa o pagtanggap ng mga proyekto that might be labelled as inciting to terrorism. Ang laki ang epekto n'yan sa aming craft because that is our expression, to incite emotions. Halimbawang ma-label kami as a terrorist, the consequences are terrifying, kaya kinukwestyon namin, we want it reviewed.”

Kamakailan ay lumahok si Angel sa isang online discussion kung saan tinalakay ang ilang probisyon sa 2020 Anti-Terrorist Act kasama ang mga senador na sina Risa Hontiveros at Francis Pangilinan, at mga kapwa aktor na si Jasmine Curtis Smith at Bart Guingona.

Ayon pa kay Angel, “Some provisions of the bill will prevent us artists from performing our roles as mirrors of society, as truth tellers, as thought provokers. 

“Our art is a powerful tool to provoke reflection and action kaya tutol kami sa anti-terrorism bill.”

Nakatakdang sumailalim sa COVID-19 rapid test si Angel ngayong linggo bago siya sumabak sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kasama sina Coco Martin, Lorna Tolentino at iba pang miyembro ng cast.