• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling napabalik sa Twitter si Annabelle Rama dahil sa ABS-CBN Franchise hearing.

‘Sino ba si Uncle Sam Dong?’:Annabelle Rama, na-carried away sa ABS-CBN franchise hearing

Muling napabalik sa Twitter si Annabelle Rama dahil sa ABS-CBN Franchise hearing.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/09/2020 11:12 AM
‘Sino ba si Uncle Sam Dong?’:Annabelle Rama, na-carried away sa ABS-CBN franchise hearing

Kasabay ng patuloy na pagtalakay sa kongreso ng franchise hearing para sa ABS-CBN Corporation nitong Lunes (June 7), isa ang aktres at talent manager na si Annabelle Rama sa mga tutok sa bawat tanong na ibinabato ng mga kongresista kay ABS-CBN Chairman Emeritus na si Gabby Lopez.

Ito na ang ikalawang beses na humarap sa house of representative ang ABS-CBN boss para sagutin muli ang mga kongresista sa ibinabatong citizenship issue laban sa kaniya.

Sa ilang Twitter post, hindi naiwasan ni Annabelle na maghayag ng kanyang opinyon sa tila paulit ulit na tanong umano ni House deputy speaker Rodante Marcoleta kay Gabby Lopez tungkol sa citizenship nito.


“Pwede ba lahat ng Congressman na walang alam sa itatanong tumahimik nalang or magtanong muna sa lawyer bago pumunta sa Congress? Nakakahiya at nakakabwisit manuod ng hearing. Dong Marcoleta delaying tactics ang ginagawa mo—lahat kayo gusto lang ma-starring sa TV!,” post ni Annabelle.

Ayon pa sa talent manager, “Sinagot na yan nung least hearing. Nahihilo na ako sa pulit ulit na tanong,” post ni Annabelle ng naka-capslock.

Aniya pa sa kanyang post: “Ako isang Pinoy na bisaya. Hindi ko alam ang sinasabi ni dong Makuleta. Panatang Makabayan bakit kailangan sa hearing yan? Mga taong bayan at mga botante. Malapit na election alam nyo na kung sino ang iboboto nyo. Nakakatawa kayo Ha ha ha..bwesssssit!” saad ni Annabelle.

Pabirong sabi pa ng talent manager, napabalik umano siya sa pag po-post sa Twitter matapos ang tatlong taon na pananahimik sa social media.

3 yrs na hindi ako active sa Twitter nabuhay ako! Nahilo na ako habang nanonood sa bahay-Mr. Gabby Lopez pa kaya? Hay naku tumaas blood pressure pati na blood sugar ko. Ayaw kong makita sa TV ang pagmumukha ng Congressman na ang haba na ng TV Exposure. UNCLE SAM, DONG??” pahayag ni Annabelle sa post.

Tanong pa niya: “SINO BA SI UNCLE SAM DONG???? Paki explain mong Mabuti.”

Damang-dama rin ni Annabelle ang mga salita na binibitawan na mga tanong ng kongresista sa dating chairman: “Gusto kung ibalik si Cong. Rufus Rodriguez ang linaw ng explanation niya regarding citizenship dahil former Immigration Commissioner alam niya lahat ang itatanong. Naubos na oras sa mga nonsense na tanong anong tanong yan! Mahal mo ba ang Pilipinas? Siyempre,” aniya pa sa post.

Aniya pa nawala rin umano ang kanyang antok sa tila paulit-ulit na tanong ng mga kongresista

“Hay naku nawala ang antok ko ang sarap makinig kay cong. Rufus Rodriguez understood Filipino citizen si Mr. Gabby Lopez confirmed by DOJ Usec. Nicolas Felix Ty Immigration Com. Jaime Morente. Dapat mga ibang congressman makinig na sa marunong sa batas dada kayo ng dada,” pahayag pa niya.

Dahil uso ang fake social media account ngayon, isang netizen naman ang humingi ng confirmation kay Annabelle at tinanong kung tunay ba na siya ang nag-tweet ng mga ito na agad naman sinagot ng talent manager.

Real na real day!” kalakip ang tanong ng netizen.