• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinontra ng aktres na si Vivian Velez ang pahayag ni Catriona Gray tungkol sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act.

Vivian Velez, may parinig kay Catriona Gray

Kinontra ng aktres na si Vivian Velez ang pahayag ni Catriona Gray tungkol sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/08/2020 04:34 PM
Vivian Velez, may parinig kay Catriona Gray

Hindi pinalagpas ng direktor ng Film Academy of the Philippines at Aktres na si Vivian Velez ang mga naging pahayag sa social media ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na tila hindi pabor sa pagsusulong na maging batas ang Anti-Terrorism Bill.

READ: Catriona Gray joins call to #JunkTerrorBill

Sa Facebook post ng aktres tila pinatutsadahan nito ang 2018 Miss Universe kung saan kalakip ang screen shot ng mga Twitter post nito at sinabing: “Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe?” bahagi ng pahayag ni Vivian na tila salungat sa pahayag ng 2018 Miss Universe.


Sa nasabing post rin, sinabi rin ng aktres na, “The draft Anti-Terrorism Act of 2020 passed both the House of Representatives and the Senate, and PRRD is expected to sign the bill into law. Nothing to revise and no more debate,” aniya pa. From the people of Mindanao, the anti-terrorism bill is their silver lining. And I thank you...,” pahayag ni Vivian.

Bukod kay Catriona Gray, ilang personalidad na rin ang nagpahayag ng kanilang pagsalungat sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act tulad nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Iza Calzado at marami pang Kapamilya stars. Tags: Vivian Velez, Catriona Gray, Anti Terrorism Bill