• Home
  • Fresh Scoops
  • Mabibili ang importanteng memorabilia ni Catriona Gray sa Shop & Share.

Miss Universe memorabilia ni Catriona Gray, for sale sa Shop & Share

Mabibili ang importanteng memorabilia ni Catriona Gray sa Shop & Share.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/08/2020 04:55 PM
Miss Universe memorabilia ni Catriona Gray, for sale sa Shop & Share

Isa si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa mga personalidad na nagbigay suporta sa Shop & Share program nina Anne Curtis at Angel Locsin.

Ang Shop & Share ay isa sa munting paraan ni Anne and Angel, kasama na rin sina Bea Alonzo at Dimples Romana, para maisakatuparan ang libreng mass testing para sa mga mahihirap na Pilipino na nais malaman kung sila ay may COVID-19. 

Sa Instagram story ni Angel, ipinasilip ng aktres ang mga bagong items na maaring bilhin sa Shop & Share website at kabilang na dito ang original Miss Universe sash pin ni Catriona Gray na kaniyang ginamit sa 2018 Miss Universe pageant.


 

 

 

 

Bukod sa Miss Universe pin, bahagi rin ng Shop & Share isang pares ng sapatos ni Catriona na kaniya naman ginamit sa isang endorsement shoot dito sa Pilipinas.

 

 

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga tulong para sa Shop & Share, na may target makalikom ng 35 Million pesos para maisakatuparan ang isang kumpletong facility na kaya ang COVID-19 testing ng libre para sa mga ordinaryong Pilipino.