• Home
  • Fresh Scoops
  • Go Green si Judy Ann Santos na nagtanim ng mga gulay sa kaniyang bakuran.

PANOORIN: Judy Ann Santos, nagtanim ng gulay sa bakuran

Go Green si Judy Ann Santos na nagtanim ng mga gulay sa kaniyang bakuran.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/05/2020 12:00 PM
PANOORIN: Judy Ann Santos, nagtanim ng gulay sa bakuran

Muling ipinasilip ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang bagong pinagkakabalahan ngayong stay at home pa rin siya dahil sa takot sa COVID-19.

Matatandaan na kamakailan, ipinasilip ni Judy Ann ang kaniyang naging pag-assemble na garden set kung saan niya ibinibuhos ngayon ang kanyang oras.

READ: Judy Ann Santos, ipinasilip ang bagong hobby


Sa Instagram story, ipinasilip ng 42 year-old actress ang pag-aasikaso niya sa kanjyang mga pananim na mga gulay.

VIDEO COURTESY @officialjuday

Dito, makikita ang pananim na gulay ni Juday na kaniyang magagamit sa pagluluto ng masasarap at healthy na ulam para sa kaniyang mga anak.

Bukod sa gardening, hands on mommy rin si Juday sa pag-aasikaso sa kanyang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna at bilang maybahay ni Ryan Agoncillo.