Hindi pinalagpas ni Lauren Young ang naging maling pahayag ng social media personality na si DJ Loonyo tungkol sa mass testing para sa sakit na COVID-19.
Matatandaan na sa isang video, sinabi ng dancer na hindi siya sang-ayon sa sinasabing "mass testing".
READ: DJ Loonyo draws flak after he wrongly defined mass testing
“I don’t know kung ano ang gagamitin nila sa mass testing. Pero kung ano ang ipapainom nila, kung ano ipapagawa nila, it’s a trial and error. That’s why mass testing,” pahayag ni DJ Loonyo sa video.
Kasunod nito, kabi-kabilang batikos ang inabot niya at kabilang sa isa dito ang TV actress na si Lauren Young.
Sa pamamagitan ng Twitter post, kinontra ni Lauren si DJ Loonyo at sinabing “Omg I just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flat earther ka rin ba koyah??” kung saan naka caption ang video clip ng social media personality.
Omg i just saw this!! Ang bobo shet ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah?? https://t.co/HBpuEOvwef
— Lauren Young (@loyoung) June 4, 2020
Patutsada pa ni Lauren sa isa sa kaniyang mga Twitter posts: “I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it? Mapakita lang yung big dick energy. Like LOOK AT ME I'M SMART.
I feel like in the case of Loonyo he really just wants to sound smart but lacks the patience to sit, read and understand. Gusto lang magkaroon ng opinion for the sake of it? Mapakita lang yung bigdickenergy. Like LOOK AT ME IM SMART.
— Lauren Young (@loyoung) June 4, 2020
Dahil dito, umani din ng batikos ang aktres at matapang na sinagot niya ang mga ito.
Kabilang pa sa social media posts ni Lauren ang tila pag marka sa kaniya ng netizen bilang “Basher ni DJ Loonyo”, na pinagtawanan lang rin ng aktres.
WAAAH GONNA CRY MYSELF TO SLEEP IM SO SCARED OMG MY CAREER IS OVER OMG WHO AM I OH NOOOOO https://t.co/p0Vh0kMnF9
— Lauren Young (@loyoung) June 4, 2020
Sa huli, nilinaw ni Lauren na hindi lang ito problema sa mga sinabi ni DJ Loonyo, kundi ang pagharap ng bawat Pilipino sa kasalukuyan na mga problema ng bansa tulad ng mass testing at anti-terrorism bill.
Now friends, lets stop stroking a mans ego and get back to more pressing matters.
— Lauren Young (@loyoung) June 5, 2020
Nasan na po ang mass testing?
Have you emailed your Rep?
More transportation!!!! #MassTestingNowPH #JUNKTERRORBILLNOW