Theater artists, kapit-bisig sa pagsagip sa kalikasan

Unti-unting bumabangon ang entertaiment scene sa pamamagitan ng makabagong online platforms.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/4/2020 5:45 PM
Theater artists, kapit-bisig sa pagsagip sa kalikasan


United para sa “Song For A Changed World: COVID & Climate Change”, isang online show para sa selebrasyon ng World Environment Day, ang ilan sa premiere theater artists ng bansa tulad nina Menchu Lauchengco-Yulo, Gian Magdangal, OJ Mariano, Phi Palmos, Boo Gabunada, Bibo Reyes, Gab Pangilinan at Jon Santos.

Sa pakikipagtulungan ng PLDT-SMART Gabay Kalikasan, magsasama-sama sa isang masayang kantahan at musikahan ang mga Pinoy theater artist na ang hangarin ay ang ipaabot ang mensahe ng pangangalaga sa kalikasan.

“This online concert initiative of Gabay Kalikasan aims to help create awareness about climate change and the importance of health care through arts and songs,” pahayag ni PLDT SVP & Group Controller at Chief Sustainability Officer na si Chaye Cabal-Revilla

Magandang pagkakataon rin ito para sa mga theater performers para unti-unting ibangon ang entertainment scene sa pamamagitan ng online platform.

Matatandaan na isa ang entertainment sa mga laranagang lubhang naapektuhan sa halos tatlong buwan na lockdown dahil sa COVID-19.

Mapapanood ang “Song For A Changed World: COVID & Climate Change” sa official Facebook page ng Gabay Kalikasan ngayon June 5, 8pm.