• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Pokwang na Marami pa din ang tila di sang-ayon sa relasyok nila ni Lee O Brien.

Pokwang, ibinahagi ang matinding pagsubok sa relasyon kay Lee O Brien

Aminado si Pokwang na Marami pa din ang tila di sang-ayon sa relasyok nila ni Lee O Brien.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/04/2020 05:31 PM
Pokwang, ibinahagi ang matinding pagsubok sa relasyon kay Lee O Brien

Hands on parents ngayon ang Kapamilya comedienne na si Pokwang at partner na si Lee O Brien sa kanilang anak na si Baby Malia.

Ayon kay Pokie, naging ultimate bonding nila ngayon ang pag-aalaga kay Malia matapos ma-stranded ng kanilang kasama sa bahay sa probinsya dahil sa lockdown.

“Yes, bonding talaga namin, hands on kami ngayon dahil wala ang kanyang yayay,” tugon ni Pokie sa online kuwentuhan noong linggo sa “I Feel U”.


Bukod sa pag-aalaga sa kanilang anak, bonding rin ni Pokwang at Lee ngayon ang kanilang munting negosyo.

 

 

 

 

Dahil sa kanilang almost perfect at masayang relasyon, hindi rin pinalagpas ng “I Feel U" host na si Toni Gonzaga ang tanong na kung ano ang masasabi niyang ultimate challenge sa kanilang relasyon.

“Actually hanggang ngayon, pinagdaraanan pa rin namin ‘yan e, ‘yung mga sinasabi na ‘nako gagamitin ka lang niyan’ mga ganun, ‘yung hindi sila maka move on sa ganun,” tugon ni Pokwang.

Aniya, hindi na dapat binibigyang malisya ang kanilang relasyon, lalo na at may pundasyon na ang kanilang pamilya.

“May anak na kami, hindi pa ba sapat na patunay ito na talagang nagmamahalan kami?" sabi pa ng Kapamilya comedian.

Naniniwala rin si Pokwang na malaki ang isinuko ng kanyang partner sa America, kung saan niya ito nakilala.

“Yung iniwan niya ‘yung kung ano ang meron siya doon at hindi niya alam kung ano ang haharapin niya dito, ‘yun yung mga ganun. Pero ako, deadma na lang kami kasi mas kilala naman namin ang isa’t isa e at iyun ang importante,” pahayag pa niya.

Sa huli, respeto lamang ang hiling ni Pokwang sa mga nagkokomento sa kanila. 

READ: Lee O’Brien reveals two things he realized about Pokwang

Taong 2014 nang nagkakilala si Pokwang at Lee sa pelikulang “Edsa Woolworth” na kanilang pinagbidahan.