• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya actress Maymay Entrata reveals how she started out as a fan girl before joining showbiz.

Maymay Entrata shares how Kathryn Bernardo inspires her to be a better actress

Kapamilya actress Maymay Entrata reveals how she started out as a fan girl before joining showbiz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/04/2020 09:47 AM
Maymay Entrata shares how Kathryn Bernardo inspires her to be a better actress
Photo credit: @maymay IG

Even before joining showbiz, Maymay Entrata said she has always been a fan of teleseryes and movies. In her recent guesting on Actors’ Cue #ExtendTheLove initiative to help raise funds for displaced film workers, Maymay recalled her days as a movie fan.

“Nung younger days ko sobrang mahilig ako sa mga rom-com, mga fairytales na love story na sigurado akong laging happy ending. Kasi uso yun dati yung happy ending. Hanggang sa napunta dun sa movie nila Anne Curtis, yung No Other Woman, yung may kabit-kabitan na, pero may happy ending pa rin yun. Naalala ko yung first na na-heartbroken ako na love story, yung Starting Over Again ni Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Hanggang sa napunta ako sa indie film na nagustuhan ko That Thing Called Tadhana. Hanggang sa Hello, Love, Goodbye. Hanggang sa na-realize ko habang nag-go-grow ako at nag-ma-mature ako, parang nag-iiba pala yung taste ko sa movie. Na mas gusto ko na yung movie na reality, kung saan ay nangyayari siya sa totoong buhay kasi feeling ko ay nakaka-connect ako dun,” she recalled.

Before joining Pinoy Big Brother, Maymay admitted she thought acting would be easy. “Fan na fan talaga ako ng mga teleserye at pelikula kaya dati pag pinapanuod ko yung mga iniidolo ko, laging nasa isip ko, ‘Hala grabe itong mga artistang ‘to, parang ang dali lang ng ginagawa nila iiyak lang, tatawa lang sila, batuhan lang sila ng linya, tapos yun na yung trabaho nila tapos sikat pa sila.’ So ang tingin ko talaga sa kanila ay napaka-perfect nila,” she said.


On her first time on the set after winning PBB, Maymay said it was a hard adjustment. “Late kasi ako naging artista 19 years old, so nung pumasok ako sa showbiz tapos naranasan ko yung acting, yung first (time ko) sa set ko, sobrang kabado ako (laughs). Andun yung pressure. Tapos nasabi ko, ‘Hala ka, hindi pala madali mag-artista.’ Kasi yung eksena na napanuod ko na gabi, yun pala ay na-shoot ng madaling araw. Puyatan pala dito. Pero at the same time na-a-amaze ako sa mga artista kasi na-a-amaze ako sa tapang nila kung paano nila hinandle yung trabaho nila sa personal na buhay nila. Kaya napakalaki yung respeto ko sa kanila talaga dahil saksi ako na hindi talaga madali ang pagiging artista,” she said.

Maymay said that Hello Love, Goodbye co-star Kathryn Bernardo inspires her to become a better actress. “Tanda ko yung La Luna Sangre, hindi ko pa kuha yung sistema dun, kung paano ba umiyak, hindi ko alam kung ano instrumento ko. Ang akala ko kasi mag-memorize lang ako ng line tapos ibabato ko lang tapos yun na yun. Hala tapos nakita ko sarili ko sa TV, wala naman akong naramdaman. Napahiya ako. Sabi ko, ‘Hala, ba’t ako naging ganun? Para lang akong picture dun. Wala talaga akong naramdaman sa mga in-acting ko. Hala, parang binabasta-basta ko lang ‘to ah.’ Tapos hiyang hiya ako kasi may one time may eksena kami ni ate Kath tapos nung nag-cut nagpunta siya sa director tapos tiningnan niya sa monitor tapos sabi niya kay direk, ‘Isa pa.’ Sa isip ko, ‘Hala, ang ganda na nga nun tapos gusto pa niya ng isa.’ Dun ako na-inspire kay ate Kath, kung gaano siya ka-passionate sa craft niya at sa La Luna Sangre masasabi ko na sobrang lost ako dun as an artista siguro kasi bago pa ako,” she added.