• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang mahigit tatlong buwan, muling nagkasama ang aktres na si Heart Evangelista at ang kanyang asawang si Chiz Escudero.

Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling nagkasama matapos ang tatlong buwan

Matapos ang mahigit tatlong buwan, muling nagkasama ang aktres na si Heart Evangelista at ang kanyang asawang si Chiz Escudero.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/30/2020 08:55 AM
Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling nagkasama matapos ang tatlong buwan
Photo Credit: @iamhearte Instagram

Matapos ang mahigit tatlong buwan, muling nagkasama ang aktres na si Heart Evangelista at ang kanyang asawang si Chiz Escudero. 

Sa post ng dating Kapamilya star sa Instagram, ikinatuwa niya ang muling pagsasama nila ng kanyang mister matapos magkahiwalay nang higit sa 100 araw dahil sa quarantine. 

“At long last!” ani Heart sa caption. 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

At long last! @escuderochiz. ❤️

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

Mahigit tatlong buwan hindi nagkasama sina Heart at Chiz matapos isailalim ni President Rodrigo Duterte ang bansa sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso upang pigilan ang paglaganap ng novel coronavirus. 

Si Heart ay nanatili sa Manila, samantalang si Chiz ay lumipad pa-Sorsogon upang ipatupad ang quarantine guidelines sa kanyang nasasakupan bilang governor ng nasabing probinsya.

Mahigit limang taon nang kasal sina Heart at Chiz. 

Noong Pebrero, bago ipinatupad ang COVID-19 lockdown, ginunita ng dalawa ang kanilang fifth anniversary bilang mag-asawa.