• Home
  • Fresh Scoops
  • Former PBB housemate Alex Anselmuccio, nalugi ang negosyo dahil sa COVID-19 pandemic

Former PBB housemate Alex Anselmuccio, nalugi ang negosyo dahil sa COVID-19 pandemic

Babalik na sa Italy si Alex Anselmuccio pagkatapos malugi ang restaurant dahil sa lockdown.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/3/2020 11:20 AM
Former PBB housemate Alex Anselmuccio, nalugi ang negosyo dahil sa COVID-19 pandemic


Malungkot na lilisanin ni Alex Anselmuccio ang Pilipinas para bumalik ng Italy dahil magsasara na ang binuksan niyang restaurant business na Little Italy Trattoria Pizzeria sa Angeles, Pampanga dahil matindi itong naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Dalawang taon at kalahati pa lang ang restaurant business ni Alex at maganda naman ang takbo nito pero wala siyang choice kung hindi isara ito dahil sa pagkalugi.

Si Alex ay isang Italian-Filipino na naging bahagi ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008. Sa Italy siya nag-audition para maging housemate ni Kuya and after PBB ay dito na nanirahan sa Pilipinas.

“It is with a heavy heart that I’m letting all of you know, that after two and a half wonderful years, Little Italy will be closing down. Due to the mandated shutdowns related to Covid-19, we will be closing shop in 2-4 weeks or until supplies last.

“I wanted to personally thank each and every one of you, who came to support me from the start and continued to come because you loved the craft I strive to perfect every day.

“I will be returning to Italy, with my family,” lahad ng ni Alex na pagkatapos ng kanyang PBB stint ay naging ramp model at artista sa ilang teleserye ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Alex, kapag naging okey na raw ang lahat ay babalik pa rin siya ng Pilipinas.

Aniya, “When things stabilize I do plan to return, better than ever, and hope to serve delicious meals for you all in the future.

“Thank you all.”

Ilan sa mga naging ka-batch ni Alex sa PBB na nakagawa na ng pangalan sa showbiz industry ay sina Ejay Falcon (grand winner), Beauty Gonzalez, at Robi Domingo na isa nang kilalang TV host ngayon sa bansa.

Matatandaan na naging controversial teen housemate din noon si Alex dahil sa mismong Bahay ni Kuya ginawa ang kanyang circumcision.

Naging bahagi si Alex ng teleseryeng Tayong Dalawa (2008) at pelikulang Shake Rattle and Roll XIV: The Invasion (2012).