TINGNAN: Coco Martin, nag-ocular na para sa pagbabalik ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Magbabalik na si Cardo Dalisay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/29/2020 12:49 PM
TINGNAN: Coco Martin, nag-ocular na para sa pagbabalik ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo courtesy Rodel Nacancieno Facebook

Umarangkada na ang trabaho para sa Kapamilya actor na si Coco Martin na sinimulan nang mag ocular para sa pagbabalik-taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa nakalap na retrato ng PUSH, makikita ang pag bisita ni Coco sa hacienda ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa Lipa, Batangas.

Makikita rin sa mga retrato ang pag-iikot ni Coco kasama si John Pratts at iba pang staff ng Probinsyano.


Photo courtesy Rodel Nacancieno Facebook

Dahil sa malaking pagbabago sa shoot, inaasahan na maglo-lockdown si Coco kasama ang iba pang staff ng Ang Probinsyano sa location ng programa.

Sa ngayon, napapanood sa CineMo ang replay ng FPJ’s Ang Probinsyano sa TV plus at Kapamilya Channel sa cable network na hindi sakop ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission.