• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa isang Instagram post ni Minorka Mercado, inalala niya ang most memorable pageant experience niya kung saan na-predict ng showbiz psychic na si Madam Auring na kandidata mula sa Venezuela ang mag-uu

PANOORIN: Miss Universe Candidate ‘94 Minorka Mercado, inalala si Madam Auring

Sa isang Instagram post ni Minorka Mercado, inalala niya ang most memorable pageant experience niya kung saan na-predict ng showbiz psychic na si Madam Auring na kandidata mula sa Venezuela ang mag-uu

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/28/2020 03:37 PM
PANOORIN: Miss Universe Candidate ‘94 Minorka Mercado, inalala si Madam Auring

Muling binalikan ni 1993 Miss Universe candidate Minorka Mercado ng Venezuela ang kanyang hindi malilimutan na karanansan sa Pilipinas nang bumisita siya sa bansa nang idaos ang 1994 Miss Universe pageant sa Pilipinas.

Sa isang Instagram video upload ni Minorka Mercado, inalala niya ang most memorable pageant experience niya kung saan na-predict ng showbiz psychic na si Madam Auring na kandidata mula sa Venezuela ang mag-uuwi noon ng korona.

 


 

Si Shusmita Sen ng India ang nakapag-uwi ng korona noon samantalang 1st runner up naman si Carolina Gomez ng Colombia at 2nd runner up naman si Minorka Mercado na isa rin sa top favorites noong Miss Universe 1994.

Hindi man tumama ang prediction ni Madam Auring, inamin ng Venezuelan beauty na gumawa ito ng impact sa kanyang buhay na hindi niya malilimutan hanggang sa ngayon.

Si Minorka Mercado ang nakalaban ni Charlene Gonzalez na isa noon sa top 6 sa Miss Universe pageant.

Sa ngayon isa ng television and radio personality si Minorka sa Venezuela.