• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano-ano kaya ang magiging proyekto ni Jake Ejercito ngayong parte na siya ng Star Magic?

Jake Ejercito is now a Star Magic Artist

Ano-ano kaya ang magiging proyekto ni Jake Ejercito ngayong parte na siya ng Star Magic?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/28/2020 04:41 PM
Jake Ejercito is now a Star Magic Artist
Photo Credit: @unoemilio Instagram

Kasabay ng special edition ng lockdown portraits ng Star Magic catalog, ilang bagong pangalan rin ang ipinakilala bilang bagong miyembro ng Star Magic at isa na dito si Jake Ejercito.

Sa Instagram post ng isa Star Magic talent handler na si Cris Navarro, pormal nitong ipinakilala si Jake bilang bagong bahagi ng talent management arm ng ABS-CBN.

 


 

Hindi man ganun kaaktibo sa mundo ng showbiz si Jake, matunog ang pangalan ni Jake at may natural charm ito dahil sa pagiging anak ng dating aktor at politician na si Joseph Ejercito Estrada.

Hindi na bago sa pag-arte si Jake at sa katunayan bumida na rin siya sa isang pelikula kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa ngayon, looking forward na ang followers ni Jake sa kaniyang unang proyekto bilang isang Kapamilya.