• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang hirap maging creative’: Jericho Rosales, humarap sa pagsubok nitong panahon ng quarantine

‘Ang hirap maging creative’: Jericho Rosales, humarap sa pagsubok nitong panahon ng quarantine

Ibinahagi ni Jericho Rosales ang kanyang pinagdaanang challenge nitong mga nagdaan na buwan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/26/2020 2:56 PM
‘Ang hirap maging creative’: Jericho Rosales, humarap sa pagsubok nitong panahon ng quarantine


Iba ibang hamon ngayon ang nararamdaman ng marami sa ating mga kababayan kasabay ng pagharap sa epekto ng COVID-19.

Kaya naman, tulad ng karamihan humaharap din sa sariling mga suliranin ang mga Kapamilya stars na ramdam din ang epekto ng halos apat na buwan na quarantine sa kanilang buhay.

Isa na dito si Jericho Rosales na nakaramdam ng pagiging 'down' habang nakakulong sa kanyang bahay.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wanted to take a break from binge-watching #Friends and share the real mission behind creating #gabinanaman posts and Saturday night live show was to help Pinoys all over the world deal with the mental and emotional challenges ng pandemic at ng mga pangyayari di lamang sa ating bansa ngunit sa buong mundo. Personally, it was a good distraction and I discovered a different side of me. I was being myself and i couldn’t be happier. GNN team was Heaven-sent and we formed new friendships working on the show. Having the gift of support at home is a huge blessing. The question is, will we go back online after GCQ? We need more bananas 🍌 #starmagiclovefromhome

A post shared by @MrManileno (@jerichorosalesofficial) on

 

“I actually experience of parang season na parang down ka, and you can’t think and ang hirap maging creative so, I just realize na everyone is adjusting then, it came to me na this is a very exciting and important time,” tugon ni Echo sa virtual interview para sa Lockdown Portrait ng special edition ng Star Magic Catalog.

Ayon pa sa aktor, naging pagkakataon din ang panahon na ito para hamunin niya ang kaniyang sarili na maging creative sa mga oras na naka-stay-at-home ang karamihan.

“The difficulty came after. And I was not busy anymore, it was a time for me to, think na alam mo ‘yun sarili ko naman ang isipin ko, doon ako na shock, parang what am I gonna do?” sabi pa no Echo.

Malaking hamon man ang pagharap sa kinabukasan, looking forward din si Echo sa pagbabalik-sigla ng trabaho at kabuhayan ng marami sa showbiz.

“It tested so many things that we are so used to, like shooting, taping, working, resting, relaxing, what really matters most, so I just really-really appreciate this time now, and whatever thing we do like this one now, like itong virtual presscon na we are doing now, I realized na hindi imposible ang mga bagay talaga, our creativity is pushed and I’m at that stage now,”  pahayag pa ng aktor.