TINGNAN: Paolo Contis, napabalik-‘90s sa throwback photo

1998 nang magsama-sama sa isang proyekto ang mga premiadong child star noon sa Star Cinema movie.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/25/2020 3:07 PM
TINGNAN: Paolo Contis, napabalik-‘90s sa throwback photo


Photo credit: @paolo_contis IG

Tiyak na napangiti ang mga batang ‘90s sa throwback photo na ibinahagi ng aktor na si Paolo Contis sa kanyang Instagram nitong Miyerkules.

Sa retrato, makikita ang cute na cute na sina Shaina Magdayao, Camille Pratts, Carlo Aquino, at Serena Dalrymple kasama si Paolo Contis na para sa promotional photo ng pelikulang Hiling ng Star Cinema noong 1998.

Way Back Wednesday tayo dahil may nahalukay ako sa baul!! 1998 nang lumabas ang pelikulang Hiling! Kasama ko dito si Camille Pratts, Shaina Magdayao, Carlo Aquino, at si LJ Reyes ay mali si Serena Dalrymple pala,” caption ni Paolo sa Instagram.

Ang Hiling ay Drama/Comedy ni Jose Javier Reyes kasama sina Tirso Cruz III, Gina Pareño, Cherry Pie Picache at ilan pang bituin.

Sa ngayon, maituturing na matagumpay na sa kani-kanilang mga buhay ang mga bida ng Hiling sa showbiz man at sa personal nilang mga buhay.

BASAHIN: Dating child star Serena Dalrymple, may mataas na posisyon na ngayon sa New York