• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy ang pamamahagi ni Kim Chiu ng ayuda sa mga kababayan nating drayber ng Jeep na tigil ang pasada ngayon dahil sa community quarantine.

TINGNAN: Kim Chiu, nagpaabot ng tulong sa mga tsuper ng jeepney

Tuloy ang pamamahagi ni Kim Chiu ng ayuda sa mga kababayan nating drayber ng Jeep na tigil ang pasada ngayon dahil sa community quarantine.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/23/2020 03:19 PM
TINGNAN: Kim Chiu, nagpaabot ng tulong sa mga tsuper ng jeepney
Photo Credit: @chinitaprincess Instagram and @pistonphl Facebook

Hindi pa rin tumitigil ang aktres na si Kim Chiu sa pag-papaabot ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng pandemic. 

Sa isang Facebook page ng samahan ng mga drayber ng jeep, nakuhanan si Kim na namimigay ng grocery items sa mga tsuper ng jeep na hindi pa rin pinapayagan na makapasada ngayon.


Hindi ito ang unang beses na nagpaabot ng tulong si Kim sa mga kababayan natin na walang pinagkukunan ng pangangailangan ngayon dahil sa epekto ng halos apat na buwan na ngayong community quarantine bunsod ng COVID-19.

READ: Kim Chiu auctions off Star Magic jersey to aid COVID-19 frontliners in Cebu

Matatandaan rin na ang ibang pondo na ginagamit ni Kim sa kanyang charity works ay ang pinagbentahan ng kanyang “Bawal Lumabas” merchandise na bunga kamakailan ng bashing sa aktres sa social media.

RELATED NEWS: Kim Chiu launches Bawal Lumabas merch, partners with Angel Locsin’s mass testing project

Kasabay ng pagbabahagi ng tulong ng aktres ang nalalapit na pagbabalik trabaho niya sa teleserye na “Love Thy Woman” na napapanood sa Kapamilya Channel.