• Home
  • Fresh Scoops
  • The topics ‘Balangaw’ takes on includes the ABS-CBN shutdown and the need for press freedom.

Director Jay Altarejos launches ‘Balangaw’ series in time for the LGBTQ Pride March

The topics ‘Balangaw’ takes on includes the ABS-CBN shutdown and the need for press freedom.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/22/2020 01:08 PM
Director Jay Altarejos launches ‘Balangaw’ series in time for the LGBTQ Pride March

Kahit na humaharap ang bansa sa matinding health crisis dahil sa COVID-19 pandemic na naging dahilan na rin para mawalan ng trabaho ang maraming Pilipino ay patuloy pa rin sa paglikha ng makabuluhang project ang filmmaker na si Jay Altarejos.

This time gagamitin muna niyang medium ang internet para makagawa ng istoryang may bahid ng katotohanan na inaasahan niyang puwedeng gumising sa kamulatan ng ating mga kababayan.

Malakas ang paniniwala ni Direk Jay na muli tayong makakabangon lalo na ang entertainment industry. At bilang manlilikha ng pelikula at isa ring artist  ay naniniwala ang director na napaka “essential” nila sa ganitong mga panahong may krisis ang bansa.


“Art, film, should continue its purpose to entertain the hearts, and feed the mind, and nourish the soul through content that reflects the struggle of the people and offers hope amidst this catastrophic event,” deklara niya.

Sa virtual presscon via Zoom na ginawa noong Sabado, June 20,  para sa bago niyang project na Balangaw na isang digital series, ay napaluha si Direk Jay sa paglalahad ng totoong kuwento at mga pinagdadaanan niya ngayong pandemic.

Matatandaang bago pa mag-lockdown ay na-ban ang kanyang pelikula sa Sinag Maynila dahil hindi raw akma sa festival ang tema ng kanyang pelikula na may eksenang anti-Duterte, pero heto pa rin siya at tuluy-tuloy lang sa paglikha ng mga obra.

Ang Balangaw ay istorya ng walong indibidwal na may iba’t ibang kwento at pinagdadaanan ngayong lockdown. Ipapakita rito ang pagkakaiba-iba ng lesbian, gay, bisexual, trans, asexual at pansexual at ang mga laban nila sa buhay para sa kanilang mga karapatan and how to survive.

Matapang ang tema ng series dahil tatalakayin nito ang kalagayan ng pultika sa bansa, ang ABS-CBN closure na mapapanood sa unang episode nito at ang tangkang pagpapatahimik sa mga mamamahayag sa bansa.

Ani Direk Jay, “Despite the challenges, we dream and strive for a better Philippines where equality, social justice, and national democracy prevail.”

Wala rin daw sa bokabularyo niya ang salitang “takot.”

“Ang takot gamitin natin kung kailangan nang matakot. Dumarating naman yon siguro at any point. But we cannot stop,” katwiran pa ng director.

Samantala ang Balangaw ay pinagbibidahan nina Jal Galang, Rap Robes na biglang nag-out sa presscon at umaming he is gay, Karen Toyoshima, Mac Mendoza, Tads Obach, CJ Barinaga, at Mela Habijan.

Aarte rin sa Balangaw series si Direk Jay bilang isang sociopolitical conscious filmmaker whose recent transition from popular LGBT films to staunchly political protest films has made him a controversial public figure of late. His no-holds barred opinions made him a target of contention by other filmmakers and producers, greatly affecting his creative pursuits and his ability to earn a viable living.

Co-producers ng Balangaw sina Edith Fider (Saranggola Media Productions) at Pete Mariano (CreativeTech Productions).

Mapapanood ang ito simula sa June 27, 9 p.m., sa mismong araw ng Pride March, sa 2076 Balangaw Online Channel.

For details and other information, please visit: www.2076balangaw.comwww.facebook/2076kolektib.com at Youtube: 2076BalangawChannel