• Home
  • Fresh Scoops
  • Tiyak na mapapa-throwback ang mga batang 90’s sa gagawing online reunion ng barkadahan ng ABS-CBN children show na “Sineskwela”.

Barkadahan ng ‘Sineskwela’, may reunion

Tiyak na mapapa-throwback ang mga batang 90’s sa gagawing online reunion ng barkadahan ng ABS-CBN children show na “Sineskwela”.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

06/22/2020 03:28 PM
Barkadahan ng ‘Sineskwela’, may reunion
Photo Credit: Brenan Espartinez Facebook

Tiyak na mapapa-throwback ang mga batang 90s sa gagawing online reunion ng barkadahan ng ABS-CBN children show na “Sineskwela”.

Sa Facebook post ng isa sa mga cast ng kid oriented Kapamilya show na si Brenan Espartinez, kinumpirma nito ang kanilang planong reunion sa pamamagitan ng video conferencing.


Ang “Sineskwela” ay isa sa maituturing na pinakamatagumpay na educational program show ng ABS-CBN noong 90s hanggang early 2000 na pinangungunahan nina Brenan Espartinez bilang si Agatom, Christine Bersola bilang si Anatom, Icko Gonzalez bilang si Kuya Bok, Sheena Ramos bilang si Palikpik, Maan Munsayac bilang si Kulitsap, Roobak Calle bilang si Ugat Puno, Agatha Tapan bilang si Mai-mai, Ricardo Flores bilang Migo at Winnie Cordero bilang si Teacher Wackee.

Napapanahon din ang video conferencing ng “Sineskwela” bilang isa sa paraan ng pagtuturo sa mga kabataan ngayon na kanselado ang face-to-face classes bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ang “ZoomSkwela” ay gaganapin ngayong June 27, at mapapanood ng live sa Icko Gonzalez official Facebook page.