• Home
  • Fresh Scoops
  • Raffy Tulfo says his haters once threatened to rape his 92-year-old mother.

Unlike his brother Ben Tulfo, Raffy Tulfo doesn’t share the same opinion on rape culture

Raffy Tulfo says his haters once threatened to rape his 92-year-old mother.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/21/2020 12:48 PM
Unlike his brother Ben Tulfo, Raffy Tulfo doesn’t share the same opinion on rape culture
Photo credit: @raffytulfoinaction IG

Sa previous interview namin kay Raffy Tulfo ay ibinahagi niya sa PUSH kung ano ang kanyang soft spot. Dito namin nalaman na lumalambot ang puso niya pagdating sa kababaihan at sa mga nanay.

Ani Raffy, “Sa lahat ng mga nanay at kababaihan yon ang soft spot ko. Lalo pa kapag ang isang nanay ay umiiyak napapakiyak talaga ako. Sa nanay malambot ako, eh.”

Naikuwento rin ng broadcast journalist na dahil sa pagmamahal niya sa kanyang ina nung panahong marami pa siyang natatanggap na death threats dahil sa kanyang programa sa radio ay binigyan nila ito ng body guard para maprotektahan.


In fact, noon ang mommy namin binigyan namin ng security pero later on sabi ng mommy ko hindi na kailangan. Kasi meron yung time na, ‘Re-reypin namin yung nanay mo.’ May mga ganung death threat, so kinabahan kami noon kaya binigyan namin siya ng security.

“Eh, sabi ng mommy ko, ‘Hindi ako sanay, wala naman sigurong gagalaw sa akin. Ano’ng mapapala nila sa akin?’ My mom is 92 years old, sinong gagalaw sa kanya?” lahad ng broadcast journalist.

Kaya naman hindi na rin kami nagulat sa latest post ni Raffy sa social media tungkol sa opinion niya sa mainit na topic ngayon—rape issue—na pinuri ng maraming netizens.

“Yung mga rapist na yan, kahit na siguro balot na balot yung biktima, kung gusto talaga nila mang-rape, mangre-rape 'yang mga yan. Walang pipiliin ’yang mga yan.

Kahit na anong klase pa ang ipasuot mo sa mga biktima, mangre-rape at mangre-rape yan kasi mga hayop ‘tong mga animal ‘to eh,” katwiran ni Raffy na taliwas naman sa pananaw ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo.

Ibinahagi rin ni Raffy kung ano ang sa palagay niya ay agimat na meron siya kung bakit nananatiling ligtas sa kabila ng mga death threats na natatanggap niya.

“Ang agimat ko ay dasal, yan ang agimat.Talagang  proven yon na tumutulong  para bigyan ako ng gabay,” huling pahayag ni Raffy sa aming PUSH interview.