• Home
  • Fresh Scoops
  • Emosyonal sina Kim Chiu at Yam Concepcion dahil sa mga pinagdaanan noong lockdown.

Kim Chiu at Yam Concepcion, aminadong mas naging emosyonal dahil sa pandemya

Emosyonal sina Kim Chiu at Yam Concepcion dahil sa mga pinagdaanan noong lockdown.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/21/2020 12:58 PM
Kim Chiu at Yam Concepcion, aminadong mas naging emosyonal dahil sa pandemya
Photo credit: @chinitaprincess and @yamconcepcion IG

Hindi naiwasan na maging emosyonal ng mga bida ng Kapamilya series na Love Thy Woman na sina Kim Chiu at Yam Concepcion.

Kasunod ito nang naging tanong sa kanila sa naganap na online media conference ng Love Thy Woman na magbabalik-taping ngayon matapos ang lagpas 4 na buwan na tigil trabaho dahil sa COVID-19.

Una na dito si Kim na nanatiling matatag at positibo matapos salagin ang maanghang na patutsada ng netizen sa kanya kasunod ng naging pahayag sa Laban Kapamilya online protest.


READ: Kim Chiu earns praises from netizens for releasing ‘Bawal Lumabas’ full track

“Napatunayan ko na malakas pala ako,” tugon ni Kim. “Next week pa ang taping. Nag-iyakan na tayo,” patuloy niyang pahayag habang tumutulo ang kanyang luha.

“Mahirap mag-explain kasi lahat tayo may kanya-kanyang battle na hinaharap mentally, physically,” aniya pa.

Tulad ni Kim, hindi rin maipaliwanag ni Yam ang nararamdaman ngayong kalungkutan na tatlong buwan naka-kulong mag isa sa kanyang tahanan.

Uncertain,” ani aktres. “Kasi hindi ko rin talaga alam kung ano na ang mangyayari. But honestly, I am a little lost lately,” pag-amin pa ng aktres.

Feeling lost man dahil sa magkakasunod na nangyayari, looking forward pa din si Yam sa kanilang pagbabalik.

Doble dagok naman ngayong 2020 ang pinagdaanan ng veteran actor na si Christopher De Leon na isang COVID-19 survivor.

READ: Christopher De Leon, positibo sa COVID-2019

Kamakailan lang rin, namayapa naman ang kaniyang ina na si Lilia Dizon.

READ: ‘From your only boy’: Christopher de Leon posts photo of late mom a day following her death

Dahil dito, tila si Christopher ngayon ang tila naging halimbawa at gabay ng mga kasamahang bituin na maging matatag sa hinaharap nilang laban.

I’ll start with my mother. Cancer is deadlier than what we are fearing right now. What we are dealing with now is fear more than anything else. It shouldn’t be. Of course, this too will pass. I am more relying on ano ba tayo, what did this teach us in trying times? Are we going to be a better person after this? Yun ang lagi kong kino-contemplate sa sarili ko. I should be a better person. Lately, they’ve been saying I’ve been more patient, more loving. That’s about it. There’s nothing to fear but fear itself. Malalagpasan natin lahat ito,” pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahandaan ng Love Thy Woman ang new normal sa set para sa muli nilang pagbabalik sa Kapamilya channel.