• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos gets her third best actress award for ‘Mindanao’ at Gawad Tanglaw

Judy Ann Santos gets her third best actress award for ‘Mindanao’ at Gawad Tanglaw

Here are the winners for the Gawad Tanglaw

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/21/2020 1:06 PM
Judy Ann Santos gets her third best actress award for ‘Mindanao’ at Gawad Tanglaw


Photo credit: @officialjuday and @brillante_mendoza IG

Naglabas na ng winners ang Gawad Tanglaw (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) para sa kategorya ng Sining ng Pelikula. Si Judy Ann Santos ang kanilang choice Gawad Tanglaw Best Actress for 2020.

Wagi si Judy Ann para sa subdued pero napaka-epektibo niyang performance sa pelikulang Mindanao ni Direk Brillante Mendoza. Sa pelikula ay gumaganap si Judy Ann na isang Muslim na asawa ng isang sundalo played naman by Allen Dizon.

Pangatlong best actress award na ito ng Kapamilya actress. Her first was in the 41st Cairo International film Festival (sa Egypt), ang first ever international acting award niya, na nasundan noong December of 2019 para naman sa Metro Manila Film Festival.

Nag-tie naman sa Best Actor category sina Allen Dizon (Mindanao) at ang batang si Jansen Magpusao (John Denver Trending).

Ang nasabing Cinemalaya 2019 award-winning film na John Denver Trending ay humakot ng awards sa Gawad Tanglaw including best picture, best director for Arden Rod Condez, best editing (for Benjo Ferrer III), best story and best screenplay (both for Condez).

Nagwagi naman bilang best supporting actress si Dimples Romana para sa pelkulang Persons of Interest at best supporting actor si Joross Gamboa para naman sa Hello, Love, Goodbye.

Dalawang karangalan ang nakuha ng Alpha: The Right To Kill ni  Direk Brillante—best cinematography for Joshua Reyes at best music for Diwa de Leon.

Tatanggapin naman ng Jury Award for Best Performance si Iza Calzado sa dalawang pelikula niyang Culion (MMFF 2019 entry) at Pandanggo sa Hukay (Cinemalaya 2019 film).

Ang Gawad Tanglaw ay isang award-giving body na pinaparangalan ang mga “the best” ayon sa kanilang panlasa sa larangan ng pelikula, telebisyon, radio at print media.

Gaganapin ang invitational awards night ng Gawad Tanglaw 2020 sa September 20 kapag mas naging okey na ang sitwasyon ng bansa mula sa covid-19 crisis.