• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil sa nauusong gender swap photos mula sa FaceApp, naisipan ibahagi ng first Pinoy Big Brother Big Winner Nene Tamayo ang naging task nila mula kay Kuya noong season 1.

PANOORIN: Nene Tamayo inalala ang gender-swap days sa PBB

Dahil sa nauusong gender swap photos mula sa FaceApp, naisipan ibahagi ng first Pinoy Big Brother Big Winner Nene Tamayo ang naging task nila mula kay Kuya noong season 1.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/20/2020 10:57 AM
PANOORIN: Nene Tamayo inalala ang gender-swap days sa PBB
Photo credit: @commandernene IG

Dahil sa trending na FaceApp gender swap photos na nagkalat sa iba't ibang social media platforms, naisipan ibahagi ni Pinoy Big Brother first season winner Nene Tamayo ang kanilang task noon sa loob ng bahay ni Kuya. 

Naalala ni Kumander Nene ang kanilang gender swap task at ibinihagi ang isang short video nito. Sa video na inupload ng kauna-unahang Big Winner ng PBB, makikita na ang mga male housemates ay nag-ayos at nagdamit na parang mga babae at ang female housemates naman nag-transform bilang mga lalaki. 

"PBB Season 1 gender swap challenge. Na kaaliwan namin ng anak ko, @tonioplamio, panoorin ulit sa DVD ang #pbbseason1 housemates @pbbabscbntv , aliw talaga, pampa-goodvibes  @umakhouny @chxalcala @sayalonzo @cassandrapo @jennysuicogarcia @bob_bigbrother @jbmagsaysay @ricobarrerapbb1 @imjaysongainza. #PinoyAko, na unahan na ni Big Brother yang #FaceApp, dito actual o," sabi ni Nene sa kanyang caption. 


Panoorin ang nakakatuwang gender swap ng housemates: