• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Reject lagi’: Ivana Alawi, ibinahagi ang pinagdaanan bago nakapasok sa showbiz

‘Reject lagi’: Ivana Alawi, ibinahagi ang pinagdaanan bago nakapasok sa showbiz

Isa si Ivana Alawi ngayon ang isa sa itinuturing na bagong pantasya ng bayan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/19/2020 7:34 PM
‘Reject lagi’: Ivana Alawi, ibinahagi ang pinagdaanan bago nakapasok sa showbiz


Sa naganap na “I Feel U” online show nitong nagdaang Linggo, June 14, inbinahagi ng Kapamilya star na si Ivana Alawi kung paano siya nagsimula showbiz at unti-unting gumawa ng pangalan.

Kuwento ni Ivana, gaya ng maraming nangangarap na maging artista, dumaan rin siya sa maraming rejection.

“Ang dami, ang dami pinuntahan na auditions, kasi si Mama very supportive siya, kapag may gusto ka support ka niya basta nasa tama, so every time may audition, may casting pupuntahan namin, ako ‘yung napapagod kasi lagi akong reject,” bungad ni Ivana sa panayam.

“Reject lagi sa auditions, lalo na ‘yung mga commercials, kasi hindi nila type ‘yung face ko (laughs) e siguro may specific silang hinahanap e, hindi ako nag fit sa kahit saan,” patuloy niya pa.

Sa kanyang pagsisimula, tinanggap rin ni Ivana ang maliliit na roles na unti-unting nagbigay sa kanya ng chance na maging isang ganap na artista.

“May mga roles ako sa mga project maliliit lang rin talaga, siguro hindi din ako ready noong time na ‘yun for sure,” dagdag niya. 

Dahil sa tila hindi pagtama ng mga bituin sa kanyang pangarap, na pagdesisyunan ni Ivana na ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-aaral.

“Tumigil na ako, nag-give up na ako. Sabi ko, mag-aaral na lang ako. Kasi I finished one course na so naisip ko ‘mag-aral nalang ako ulit’ so aral na lang ako ng aral kasi wala akong magawa padamihan na lang ako ng course,” sabi pa niya.

Dahil sa suporta ng pamilya at ng kaniyang ina sa kanyang pangarap na maging artista, ang kanyang nanay na mismo ang gumawa ng paraan para sa naudlot niyang pangarap.

 

 

“Si Mommy ko. (Laughs) Pinasa niya ‘yung pictures ko sa mga managers tapos kinausap niya through Facebook, e ang dami niyang na-message noon tapos isa lang ang nag-reply ‘Sabi niya sige meet ko kayo ng anak mo.’ Tapos sabi ko kay mama ‘Bakit gusto niya ako ma-meet?’” kuwento ng sexy actress.

“So nung pumunta ako sa office, sabi ko ‘Ma, hindi na ako magpapa-tweetums’. Sabi ko kung babalik ako ulit at mag ta-try ako ulit, gusto ko ‘yung kung saan ako masaya, sabi ko ‘masaya ako sa pagiging sexy, ayoko maging pa sweet,” patuloy ni Ivana.

At sa kanyang pagbabalik, napagdesisyunan ni Ivana na gumawa ng pasabog sa at makilala sa paraan na kanyang gusto.

READ: ‘Hubadera ka lang’: Ivana Alawi, may pahayag sa mga basher

“Kung babalik ako nang showbiz, gusto ko try naman sa gusto ko talaga,” aniya.

Kaya naman, no issue rin kay Ivana kung tawagin siyang sexy star.

RELATED NEWS: TINGNAN: Ivana Alawi, ipinasilip ang kaniyang summer ready body

“I didn’t want naman na to be known na ‘a sexy girl’ sabi ko that time ‘I want to be confident with myself and I loved myself’ sabi ko ‘hindi ako natatakot magpakita ng skin o mag 2 piece’ or whatever works required me to do, I will do it professionally,” lahad ng aktres.

Sa ngayon, abala si Ivana sa paghahanda sa kanyang first lead role sa teleserye na “Ang Lihim ni Ligaya."