• Home
  • Fresh Scoops
  • Kabi-kabila ang charity efforts na ginagawa ngayon ng aktres na si Angel Locsin.

‘Wala ako sa kalingkingan ni Darna’: Angel Locsin, nag-react sa pagkumpara sa kanya kay Darna

Kabi-kabila ang charity efforts na ginagawa ngayon ng aktres na si Angel Locsin.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/19/2020 02:11 PM
‘Wala ako sa kalingkingan ni Darna’: Angel Locsin, nag-react sa pagkumpara sa kanya kay Darna
Photo Credit: @therealangellocsin Instagram

Isa ang aktres na si Angel Locsin sa mga kilala at aktibong tumutulong sa nga nangangailangan. Kaya naman, patuloy ang pag-ani ng papuri ng aktres sa dahil sa kanyang ginagawang charity efforts para sa mga kababayan lalo na ngayong humaharap ang bansa sa krisis dala ng COVID-19.

Sa naging panayam kay Angel sa naganap na digital media conference ng kanyang bagong programa na Iba Yan, isa sa naging tanong sa aktres kung ano ang kanyang reaksyon sa pagbansag sa kanya ng karamihan bilang real life Darna.

 


 

“Bilang ginampanan ko si Darna, at alagang alaga ako sa character ni Darna, isang malaking compliment sa akin ‘yun kasi alam ko kung gaano ka buting tao si Darna and si Narda ang hangarin nila is pure. Pero kung tutuusin, wala ako sa kalingkingan, ‘yun ‘yung reality doon,” tugon ni Angel sa panayam.

Matatandaan na isa si Angel sa mga markadong gumanap sa iconic Pinay superhero sa telebisyon na tila sumasalamin sa kanya ngayon sa pagtulong sa mga kababayan na nangangailangan.

“Pero I’m very flattered kasi siguro napapanood nila ‘yung mga ginagawa kong projects pero isa lang akong simpleng tao, hindi ako bilyonaryo, hindi ako mayaman, hindi rin ako laging nauuna,” ani Angel.

Paglilinaw lang nang aktres, marami pang tao ang tulad niya ang mas aktibo rin na nagbibigay tulong sa mga nangangailan.

“Siguro, nagkakaroon lang ako ng coverage kasi kilala ka, so madalas ka napi-picturan ng tao, pero naniniwala ako na mas maraming tao ang mas active sa paligid ang hindi nabibigyan ng importance talaga, and ’yun ang gusto natin gawin sa show natin, bigyan natin ng limelight, ibida natin, ‘yung mga kakaiba ang kuwento, ‘yung kakaiba ang mga pagkatao, panahon nila ngayon so aatras po ako sa kung ano limelight na ‘yan, ibibigay natin sa kanila,” pahayag ng aktres.

RELATED NEWS: Angel Locsin, may panawagan sa kabataan: ‘Tumulong ka ng walang kapalit’

Sa ngayon, patuloy ang kabi-kabilang pagtulong ni Angel sa mga kababayan natin na apektado ng pandemya.