• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama si superstar Nora Aunor sa mga artistang nagbahagi ng saloobin tungkol sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Bill.

Nora Aunor, nagsalita tungkol sa Anti-Terrorism Bill

Kasama si superstar Nora Aunor sa mga artistang nagbahagi ng saloobin tungkol sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Bill.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/17/2020 01:27 PM
Nora Aunor, nagsalita tungkol sa Anti-Terrorism Bill
Photo Credit: @kristbansuelo Instagram

Nagbigay na ng iba’t ibang saloobin at opinion ang maraming showbiz personalities tungkol sa Anti-Terrorism Bill. May mga pabor at laban dito. Ang ilan naman ay may panukalang i-ammend pa ito.

Ano naman kaya ng stand ni superstar Nora Aunor sa Anti-Terrorism Bill? Inaabangan din kasi ng netizenz kung ano ang kanyang sasabihin.

Para sa kaalaman ng marami, ito ang naging pahayag ni Nora Aunor tungkol sa kontrobersyal na bill. Read on:


“Sa panahon ngayon na sobrang paghihirap ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan na marami ang nagkakasakit, nawawalan ng trabaho at walang makain ay sana huwag munang madaliin ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Bill.

“Magandang mapag-aralan muna itong mabuti para masiguradong hindi nga ito lalabag sa mga karapatang pantao ng mamamayang Pilipino.

“Ako ay naniniwala na kapag tinutukan itong mabuti na aayon sa karapatan ng bawat isa bago ipasa ito ay magtatagumpay,” buong mensahe ni Nora na ipinadala sa PUSH.