• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy tuloy sa paggawa ng pangalan si Jake Zyrus sa loob at labas ng bansa.

Documentary tampok ang buhay ni Jake Zyrus, kinilala sa US International Film & Video Festival

Tuloy tuloy sa paggawa ng pangalan si Jake Zyrus sa loob at labas ng bansa.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/16/2020 05:09 PM
Documentary tampok ang buhay ni Jake Zyrus, kinilala sa US International Film & Video Festival

Kasabay ng celebration ng pride month, bagong pride para sa bansa ang nasungkit ng singer na si Jake Zyrus sa naganap na 50th US International Film and Video Festival.

Dito, nakuha ni Jake ang Golden Camera award para sa self titled special documentary na “Jake and Charice” na napanood sa Japan noong 2019.

 


 

Sa Facebook post ng official account ni Jake, ibinahagi nila ang magandang balita na kanilang naiuwu para sa mga kapwa Pilipino.

“Congratulations Jake Zyrus and to the whole team for winning the Gold Camera award in US INTERNATIONAL FILM AND VIDEO FESTIVAL for his documentary aired in Japan last November 2019. Thanks to all the people behind the success. Our heart is beyond grateful,” caption sa post.

 

Ang “Jake and Charice” ay hango sa tunay na buhay at pinagdaanan ni Jake Zyrus bilang isang transman (transgender man) matapos niyang talikuran ang buhay niya bilang babae.

Ang “I Am Jake” ay internationally produced ng Japanese na sina Shin Yasuda,Akiko Tabakotani, Keiko Tsuneki, Kenji Hyodo at direktor na si Hiroko Ninomiya sa tulong ng NHK (Japan Broadcasting Corporation), Tokyo NHK Documentary Japan at NHK Enterprises kasama ang ABS-CBN na talent handler ni Jake dito sa Pilipinas.

Sa ngayon, pinag-aaralan ng management team ni Jake kung paano ibabahagi sa Pilipino ang award-winning documentary ng singer.