• Home
  • Fresh Scoops
  • Ramdam ang saya at pag-uumapaw ng mga damdamin ng “It’s Showtime” hosts sa kanilang pagbabalik.

‘Salamat po kasi alam ko na inaantay niyo rin kami’: Vice Ganda, emosyonal sa pagbabalik ng ‘Showtime’

Ramdam ang saya at pag-uumapaw ng mga damdamin ng “It’s Showtime” hosts sa kanilang pagbabalik.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/13/2020 01:29 PM
‘Salamat po kasi alam ko na inaantay niyo rin kami’: Vice Ganda, emosyonal sa pagbabalik ng ‘Showtime’

Matapos ang tatlong buwan, wala nang makakapigil pa sa muling pagbabalik ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime."

Nitong Sabado, June 13 muling napanood sa Kapamilya Channel ang barkada ng “It’s Showtime” kasama sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs and Teddy, Ate Girl Jacq, Ion Perez, Karylle at Vice Ganda.

At sa kanilang pagbabalik, ramdam ang  pag-uumapaw ng saya ng mga host na muling nakatapak sa studio ng Kapamilya noontime show.


“We are so back! Ang sarap sa pakiramdam, namis ko ang studio na ‘to namis ko kayong lahat, namiss ko ang Showtime!” bungad na pagbati ni Vice.

Dito, ipinaabot rin ni Vice ang kanilang buong pusong pasasalamat sa mga solid Kapamilya, na naghintay na muli silang makasama sa kanilang pananghalian.

“Na-miss po namin ang entabladong Ito, na-miss po namin ang isa’t isa at higit sa lahat, walang kyeme. Miss na miss namin po namin kayong lahat,” ani Vice.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We are BACK!!! We missed you, Madlang People! Magkaisayahan na! 💙💛 #ShowtimeMagkaiSayahan

A post shared by It's Showtime (@itsshowtimena) on

Dagdag pa niya: “Lahat tayo, nakikita ko kahit na hindi man tayo magkaka sama o hindi man mabigkas ang mga salita nakikita ko sa mga mukha naging lahat pati ng mga staff na kasama natin dito sa studio, masayang masaya tayo, walang pagsidlan ang mga puso natin this is a very emotional moment. Ang saya!

“Inaantay natin ‘to e, at salamat po kasi alam ko na inaantay niyo rin kami kaya maraming maraming salamat. Ito na o, magkakasama na tayo ulit,” emosyonal na pahayag ni Vice.

Hiling din ni Vice na, “sana magdire-direcho itong pagsasama-sama natin, sana walang humadlang sana maging maayos kasi para masaya tayo."

Sinigurado din ni Vice na kahit hindi sila sagot para gamutin ang sakit na COVID-19, handa naman ang “It’s Showtime” na pawiin ang lungkot ng mga Kapamilya, na ramdam ang takot at pangamba sa panahon na ito ng pandemya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Balik kulitan with Kuys Vhong, Kuys Jhong, and Meme Vice sito sa PAMILYANARYO! #ShowtimeMagkaiSayahan

A post shared by It's Showtime (@itsshowtimena) on

“Ang pagbabalik po namin sa ‘Showtime’ at ang pag ere ng Kapamilya network ay masasabi kong hindi ito solusyon sa COVID, sa pandemya, hindi naman ito magbibigay gamot sa mga nagkaroon ng sakit, pero maari po kaming magbigay ng gamot sa ilang mga karamdaman na dulot nitong COVID-19, tulad ng kalungkutan ninyo, kabagutan ninyo ng takot na nararamdaman ninyo ngayon.

“Pipilitin po naming mabura yan sa pamamagitan ng paglalagay ng konting ngiti sa mga mukha ninyo, kaya hayaan niyo kaming tumuloy sa mga bahay ninyo, dahil mis na mis namin kayo at mahal na mahal namin kayo,” pahayag pa ni Vice.

Sa kanilang pagbabalik, inihanda ng "It’s Showtime" ang mga bagong pakulo tulad ng “PamilyaNaryo”, “1ted Hiring”, “Super FiestStar” at ang pagpapatuloy ng “Tawag Ng Tanghalan."

Simula ngayong ngayong June 13, tuloy-tuloy nang mapapanood ng live ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel sa Sky Cable, sa Jeepney TV, at sa iba pang cable operators na hindi sakop ng inihain na ceast and desist order ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.