Labis na ipinagdadalamhati ng komedyanteng si Vice Ganda ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan at kasama sa bahay na kilala bilang si “Budi.”
Sa Twitter, ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang kanyang mensahe para sa kanyang kaibigan na pumanaw kahapon, Hunyo 9.
You’ll always be my bestfriend, my brother, my family. I will always cherish and love you. Here and there. Now and forever. I will cry. But i won’t say goodbye.
— jose marie viceral (@vicegandako) June 9, 2020
Hindi sinabi ni Vice ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang kaibigan, ngunit sa report ng The Philippine Star, napag-alaman mula sa staff ng “It’s Showtime” na atake sa puso ang ikinamatay ni Budi.
Ayon sa kanyang co-hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, ito umano ang dahilan kaya hindi nakadalo si Vice sa virtual conference para sa inaabangang pagbabalik ng “It’s Showtime” sa bagong Kapamilya Channel nitong Martes.
Sa conference, nagpaabot ang dalawa ng kanilang pakikiramay kay Vice.
Samantala, nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang ilang mga taga-hanga ni Vice sa pamamagitan ng social media.
Ibibigay ko pa po sa kanya ito eh. Sabi ni ate Budi, magkikita ulit kami 😭💔 Pahinga ka na po sa piling ni Lord, ate Budi... love po kita... pic.twitter.com/LWH216cK1I
— Beni Saunders (@chickabenita79) June 9, 2020
Rest in Peace 🙏🙏🙏 Condolences po ate Vice Ganda. pic.twitter.com/FiKS0qkYw4
— sanjo (@sanjosan7112) June 9, 2020
It breaks my heart knowing that you feel heavy, crying. Pero sige lang ma, do what makes you feel light, somehow. Cry if you need to. Sobrang mahal kita, sobra. At sana patuloy mong isaisip na nandito lang kami sa tabi mo. Kung pwede ka lang naming yakapin ngayon, ma. I love you.
— 𝘈𝘺𝘦𝘯, (@ViceyMyHorsey) June 9, 2020