• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi na mapipigilan pa ang muling pagbabalik-saya ng ‘It’s Showtime’ para sa madlang pipol.

Jhong Hilario at Vhong Navarro, handa na sa pagbabalik ng ‘It’s Showtime’

Hindi na mapipigilan pa ang muling pagbabalik-saya ng ‘It’s Showtime’ para sa madlang pipol.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/10/2020 03:13 PM
Jhong Hilario at Vhong Navarro, handa na sa pagbabalik ng ‘It’s Showtime’

Handang handa na para sa muling pagbabalik-live ang It’s Showtime ngayong June 13 ang mga Kapamilya hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro para magbigay muli ng saya sa madlang pipol.

 

 

At sa kanilang pagbabalik, inihanda ng It’s Showtime ang mga bagong pakulo na magbibigay saya at tulong para sa mga madlang viewers ngayong humarap sa krisis dahil sa COVID-19 ang Pilipinas.

Kabilang na dito ang bagong segments tulad ng “PamilyaNaryo”, “1Ted Hiring” at ang pagpapatuloy ng “Tawag ng Tanghalan.”

Sa online kuwentuhan kasama ang dalawa sa It’s Showtime host, ibinahagi nila ang kanilang kasiyahan at pasasalamat sa ABS-CBN na patuloy na gumawa ng paraan para maihatid ang saya at serbisyo publiko sa pamamagitan ng mga Kapamilya shows.

“Ang laking pasasalamat namin sa ABS-CBN, na talagang gumawa nang paraan para hindi maputol ang kasiyahan at tulong na ginagawa namin sa mga kapamilya at madlang pipol at sa lahat ng kapamilya na sumusuporta sa ABS-CBN, kaya thankful kami na isa kami sa mga pinagbigyan ng ABS-CBN, para magbigay ng kasiyahan at tumulong sa madalang pipol,” ani Jhong.

Gaya ni Jhong, thankful rin si Vhong na sa kabila ng pagsubok ng network, magpapatuloy pa rin ang kasiyahan na labis na namiss ng madlang pipol na nais makalimot sa problema dahil sa hinaharap na krisis dahil sa pandemya ng COVID-19.

“Yun nga tama ang sinabi ni Jhong, isa kami sa mapalad na umere, para magbigay saya sa madlang pipol dahil alam natin ngayon ang kailangan natin ngayon ay harapin natin ang problema ng masaya at may ngiti sa mga labi natin. Ito lang rin ng alam naming gawin para mapawi ang kalungkutan ng madla at kahit papaano ay mapasaya natin sila,” saad ni Vhong.

At sa patuloy na pagresolba ng ABS-CBN sa franchise issue, hindi naalis sa isipan ng dalawang host ang pangamba na matigil rin ang paghahatid nila ng saya para sa madlang pipol na ang libangan lang ay ang manuod ng TV.

“Hindi naman natin maiiwasan na mag isip nang ganun (negative) kasi hindi naman natin hawak ‘yung desisyon e’, so ‘yung mga mag de-desiyon talaga ang makakasagot niyan kung talaga bang makaka balik kami o hindi,” tugon ni Jhong.

Sa dasal at pagpapasadiyos naman idinaan ni Vhong ang kanyang pangamba at takot sa kabila ng hinaharap ng franchise issue ng ABS-CBN.

“Hindi siyempre sa amin, hindi mo maalis ang pangamba, hanggang ngayon hindi pa malinaw ang lahat, pero siguro ako, dinadaan ko sa dasal na alam naman natin na lahat maraming pagsubok na dumating sa atin ngayon, alam naman natin na malalagpasan natin ‘to, kumbaga challenge lang naman ni God sa atin,” ani Vhong.

“Hanggang ngayon, patuloy kami siyempre na nagdadasal para kung ano man ang mangyari dahil hindi pa rin natin alam kung ano man, siyempre si God na lang ang may alam ng lahat,” saad pa niya.

May pangamba man, itinuun na lang nina Jhong at Vhong ang kanilang pangamba sa paghahanda para sa kanilang muling pagbabalik ngayong Sabado, June 13.

“Talagang pinaghandaan namin. May mga bagong segments na bagong bagong para sa madlang Pipol, siyempre nag-iwan rin tayo ng segment na tumatak sa Showtime ang ‘Tawag ng Tanghalan’,” sabi pa ni Vhong.

Dahil sampung taon na ang programa, hindi na rin ramdam ni Jhong ang pressure dahil sanay na sanay na sila samahan ng bawat isa na itinuturing na niyang pamilya.

“Sanay naman kami sa hindi handa e, kasi pag nag so-show naman ang ‘Showtime’, pagdating doon hindi na nga naming nababasa ang script so talagang pag dumating doon kung ano nalang ang pumasok utak naming ‘yun na lang ang ginagawa namin. Sa paghahanda naman, kailangan talaga natin gawin na magdasal tayo para maibalik ang kasiyahan na ginagaw ang ABS-CBN and ready na ready kami diyan pag bumalik na kami sa June 13,”pahayag pa ni Jhong.

Mapapanood ng live ang It’s Showtime Kapamilya Channel, sa Jeepney TV, at cable network na hindi sakop ng inihain na Cease and Desiss Order ng National Telecommunications Commission o NTC sa ABS-CBN.