• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya actress Maja Salvador talks about which project made her take acting more seriously.

Maja Salvador reveals her big turning point in showbiz: ‘Mahal ko trabaho kong ito’

Kapamilya actress Maja Salvador talks about which project made her take acting more seriously.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/01/2020 09:36 AM
Maja Salvador reveals her big turning point in showbiz: ‘Mahal ko trabaho kong ito’
Photo credit: @iammajasalvador IG

It’s been 17 years since she first joined showbiz but until now, Maja Salvador still can’t forget her first movie project which was given to her by director Chito Roño. “So galing ako sa serye ni direk Chito na Spirits tapos sinabi niya na isasama niya ako sa pelikula niya na Sukob. Tapos sobrang parang na-sho-shock ako kasi ibang iba kung paano mag-taping sa mga teleserye at kung paano mag-shooting. Kasi naabutan ko yung film pa talaga eh. Bawal ka magkamali, dapat alam mo linya mo, dapat lahat ng bilin ng director dapat alam mo. So parang yung kaba ko kay direk Chito, yung kaba ko na ka-eksena ko si Tita Kris (Aquino), yung parang di mo alam kung makaka-acting ka ng tama kasi ang dami mong iniisip. Tapos parang konting galaw lang ng mata mo, sobrang laking bagay na yun. Kaya parang kada scene na ginagawa ko pag pelikula, nung una pelikula, kulang na lang ma-ha-heart attack ako sa sobrang kaba kung tama ba yung ginagawa ko,” she shared during the Actors’ Cue #ExtendTheLove session last May 29.

The 31-year-old actress is thankful for the kindness extended to her when she was still a newbie. “Thankful ako grabe yung patience ni direk Chito kasi nga alam naman niya na first time ko, pati si tita Kris grabe yung pasensya nila sa akin. Naitatawid naman. Mga hanggang nakaka-take two naman ako noon. Yun yung experience ko sa una kong pelikula. Pero sa mga sumunod na, andun hindi nawawala yung kaba mo. Sa lahat ng gagawin na project, mapa-pelikula or teleserye, maganda naman kung hindi nawawala yung kaba mo kasi importante yung kaba na yun eh. Minsan dun tayo humuhugot sa kung ano ang mga emosyon na kailangan,” she shared.

Maja admitted her path in showbiz was easy but she was not yet that serious about acting. “Nung nag-uumpisa kasi ako, sabihin na natin na ang laking tulong na may dugong Salvador ako kaya isa akong masuwerteng bata noon na nung hinanap ko yung tatay ko, nung nalaman nilang Salvador ako, binigyan ako agad ng chance ni ma’am Charo (Santos-Concio). Sila nag-open ng door para maging artista ako. So parang nag bilis ko makapasok sa industriya tapos hanggang sa sinali ako sa teleserye ni John Lloyd (Cruz) at Bea (Alonzo) na It Might Be You tapos after nun yung serye na ni direk Chito (Roño) na Spirits.


“So from nakikitira ka sa nagtrabaho ka at nakakaipon ka na ng konti na kaya niyo na mag-renta ng apartment, hindi ka na makikitira sa bahay ng lola niyo, ganyan. So parang ang bilis pala dito. Wala pa yung passion sa craft. Hindi pa ako in love sa pag-arte. Tapos nung mga nagtagal tagal na napapansin ko puro ASAP lang ako, ganun. Tapos nagtanong ako sa handler ko, ‘Bakit po ganun, parang wala na tayong serye?’ Ang tingin pala nila sa akin parang raket raket lang ang gusto ko, yung makapag-acting lang, makaipon lang ng pera kasi mabilis nga daw ang kita dito sa industriya, ganyan. Na-bother ako kasi ganun ba yung nakikita nila sa akin?” she recalled.

When she was given more dramatic roles in Maalaala Mo Kaya, Maja said she started to really hone her craft. “From It Might Be You to Spirits, grabe ako ipa-workshop nila Mr. M (Johnny Manahan), yung Star Magic. Kasi sa mga productions naman sasabihin nila kung okay ba yung artista or hindi or kung kailangan pa niya i-improve yung acting niya. Yun naman ang maganda sa Star Magic. Halos thrice a week ako nag-wo-workshop nun. Tapos after nun nung may mga MMK na ako na guesting, dun ko na grinab yung opportunity kasi pag MMK parang dun ka any time puwede manalo ng award. Parang lahat ng mga kuwento nila ang bigat,” she said.

After her experience doing several MMK episodes, Maja shared that she will always be thankful to the show for bringing out her dramatic talent. “Pag nag-wo-workshop ako ang gusto ko lagi i-achieve yung magaling ako umiyak. Tapos nung nag-MMK ako with Ms. Vilma Santos directed by direk Olive (Lamasan), talagang dun ko naisip na ito na yung opportunity para maipakita na mahal ko yung trabaho ko, hindi lang pera pera. Dito ko ipapakita na gusto ko ito, mahal ko trabaho kong ito at gusto ko makita nila yung mga ginastos nila sa akin na pagpapa-workshop ay lalabas dito. So ang laking tulong sa akin ng MMK kasi parang quarterly may MMK episode ako. At saka inalagaan rin nila ako talaga. Kasi si ma’am Charo ang kumuha sa akin. Kaya ang laking bagay sa akin na parang naging training ground ko ang MMK na sobrang lupet ng lahat ng mgaeksena. Dun ko nasabi na ganun pala talaga pag minahal mo yung trabaho mo, mas doble, triple yung pagmamahal na babalik sa ‘yo,” she said.