• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya actress Kathryn Bernardo shares her pre-showbiz memories as an avid movie fan.

Kathryn Bernardo looks back on her first movie: ‘Ang suwerte ko nun kasi kasama ko si Julia Montes’

Kapamilya actress Kathryn Bernardo shares her pre-showbiz memories as an avid movie fan.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/01/2020 09:20 AM
Kathryn Bernardo looks back on her first movie: ‘Ang suwerte ko nun kasi kasama ko si Julia Montes’
Photo credit: @bernardokath (L) and @montesjulia08 (R) IG

As part of the Actors’ Cue #ExtendTheLove initiative session, Kathryn Bernardo looked back on her journey through showbiz. Kath said she has always been a fan of movies. “Ever since kasi mahilig kami manuod ng teleserye especially pag may pelikula ka ng gustong artista. As in kahit hindi pa ako artista, fan na ako. Siguro yung pinaka hindi ko makakalimutang memory nung bata ako, kasi lumaki ako sa Cabanatuan, Nueva Ecija, so after school noon usually pupunta ako sa mall may store yung mama ko sa isang mall dun. Tapos sa top floor nun may sinehan. So kung may gusto ako panuorin, tatanungin ko siya tapos aakyat lang kami ng escalator nandiyan na. So kung meron man akong gustong pelikula, love story man yan, local man yan or international film, as in pinipilahan ko yan kasi parang dinadala ka niya sa ibang mundo, na parang sa dalawang oras na yun, kikiligin ka, iiyak ka. Gustong gusto ko yung feeling na parang parte ka nung pinapanuod mo. So growing up nanunuod din ako sa Cinema One, yung mga movies ni FPJ, Isusumbong Kita sa Tatay Ko, Wansapanataym the movie, My First Romance, Gimik, yung mga ganyan,” she told #ExtendTheLove host director Adolf Alix during their FB Live session last May 29.

Kathryn said her first shooting experience was a big eye-opener for her. “Nakakatuwa lalo nung naging artista na ako tapos nakita ko kung paano gumawa ng pelikula. Na-amaze ako kasi dati pinapanuod ko lang siya tapos pag ikaw na mismo yung nandun sa set, oh my god ganun pala yung proseso ng paggawa ng isang sequence, kung gaano katagal. Nung bago ako sa ABS-CBN tapos nakikita ko sila John Prats, na-sa-star struck ako kasi dati pinapanuod ko lang sila. Nag-start ako as a fan and up until now nakaka-proud na part ka na ng craft na yun, ng trabahong yun. Yun yung parati kong binabalikan. Kaya minsan kinikilig pa rin ako kapag may movie na ako, ako na yung puwede nila panuorin sa mga post. Nakakatuwa siya balik-balikan,” she recalled.

For her first big screen project Way Back Home in 2011, Kathryn said she took comfort in her Mara Clara co-star Julia Montes. “Hindi ko makakalimutan yung first ever movie na ginawa ko as lead. Kasama ko dun si Julia. Kasi iba talaga yung adjustment pag nag-te-taping kang teleserye tapos gumawa ka ng pelikula. Hindi ko alam yung mga technical sides. Hindi ko alam na marami palang shots pagka movie, na dapat pala konti lang yung acting mo kasi malaki yung screen. Ang hirap nun kasi parang ibang mundo siya. Pero ang suwerte ko nun kasi kasama ko si Julia. Malapit ko siyang kaibigan. Alam mo yung feeling na wala ka pang love team nun, wala pang DJ (Padilla), pero meron kang kasama na mag-adjust sa ganung mundo. Suwerte ako nun na kasama ko si Julia,” she admitted.


Almost a decade later working with perennial onscreen partner Daniel Padilla and Kathryn said she appreciates how helpful he is with her acting process. “Kami naman ni DJ pag may eksena, ang suwerte ko kasi kahit hindi siya kita, alam mo tingnan niya lang ako, parang nag-uusap na kami. So we’re very lucky kapag nakasama mo yung taong napaka-generous kasi hindi madali umarte and kailangan mo talaga ng tulong ng lahat, yung participation ng lahat,” she added.