• Home
  • Fresh Scoops
  • Sama-sama at tulong tulong, naniniwala si Coco Martin na malalagpasan ng bawat Pilipino ang hinaharap na unos.

Pangkabuhayan ng isang ABS-CBN fan, sasagutin ni Coco Martin

Sama-sama at tulong tulong, naniniwala si Coco Martin na malalagpasan ng bawat Pilipino ang hinaharap na unos.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/08/2020 04:52 PM
Pangkabuhayan ng isang ABS-CBN fan, sasagutin ni Coco Martin

Pangakong pangkabuhayan ang ipinaabot ng Kapamilya actor na si Coco Martin sa isang avid ABS-CBN fan na naapektuhan sa pagsasara ng network.

Sa isang Instagram post, ipinaabot ni Coco ang kaniyang pagsaludo at paghanga sa simpleng panawagan ng Kapamilya fan na ipina-tattoo sa katawan ang ilan sa mga programa ng ABS-CBN kabilang na ang FPJ’s Ang Probinsyano.

 


 

“Tay! Maraming, maraming salamat po sa pagsuporta niyo, sobra po namin kailangan 'yan sa ngayon! Pangako kagaya ng ginagawa ng mga kasamahan kong artista at ng aming kumpanya ang pagtulong namin sa mga nangailangan. Pag nakabalik kami pinapangako ko sa'yo, bibigyan kita ng pangkabuhayan ng pamilya mo mag tayo ka ng tindahan dyan sa lugar niyo kami na po ang tutulong sa inyo. Wala na tayong ibang aasahan kundi tayo ang magtutulungan," pahayag ni Coco sa post.

Ito na ang ikatlong araw na hindi napapanood sa mga telebisyon ang ABS-CBN matapos ang naging pagsunod ng kumpanya sa utos ng National Telecommunications Commission o NTC na patigilin ang lahat ng broadcast network na pinasisilbihan ng ABS-CBN.

RELATED NEWS: ABS-CBN to go off air in compliance with NTC order

Matatandaan na isa si Coco sa mga nagpahayag ng kanyang saloobin ilang minuto matapos ang signing off ng ABS-CBN.

READ: Coco Martin, galit na naghayag ng saloobin sa pagsasara ng ABS-CBN

Sa ngayon, patuloy ang serbisyong publiko ng ABS-CBN sa pamamagitan ng digital platforms nito na hindi saklaw ng napasong prangkisa.