• Home
  • Fresh Scoops
  • Certified trending sa social media ang naging first ever Philippine interview sa kinakikiligan ngayong Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na bida sa sikat na Thai BL series na “2geth

Paano ba nakuha nina Bright Vachirawit at Win Metawin ang role ni Thine at Sarawat sa ‘2gether’?

Certified trending sa social media ang naging first ever Philippine interview sa kinakikiligan ngayong Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na bida sa sikat na Thai BL series na “2geth

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/08/2020 09:16 PM
Paano ba nakuha nina Bright Vachirawit at Win Metawin ang role ni Thine at Sarawat sa ‘2gether’?

Certified trending sa social media ang naging first ever Philippine interview sa kinakikiligan ngayong Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na bida sa sikat na Thai BL series na “2gether”.

READ: Watch Thai BL actors Bright and Win in their first Philippine interview on May 8

Ang “2gether” ay isa lamang sa mga BL o mga Boys Love series na napapanood at sinsusubaybayan ngayon ng Filipino audience online.


Dala ang kilig at kakaibang chemistry nina Bright at Win, mabilis pumatok sa Pinoy audience ang kanilang pinagbibidahang series.

Sa panayam ng “TV Patrol” at Dreamsacape Entertainment, mas nakilala pa ng Pinoy fans sina Bright at Win.

Ayon kay Bright at Win, handpicked sila para sa role ni Sarawat at Thine kaya naman hindi nila inasahan ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa kanila.

“I know for this series I’m going to act. But back then,I didn’t know yet which character will be given to me. I just know that in the series I have to act,” tugon ni Bright.

Si Win naman na first time bumbida sa isang proyekto, ay inaral ng maigi ang karakter ni Thine kung paano ito mag blend sa kanyang personality.

“At first I was really excited because this is my first series and when I got the script then I try to work with it, I tried to work hard with it. I try to learn what Thine (his character) who Thine is and I try to blend it to me,”sagot ni Win sa panayam.

Ayon naman kay Bright extra challenge sa kaniya ang role si Sarawat, na inilalabas ang emosyon sa kanyang mga mata.

“For me Sarawat is a kind of person that, he doesn’t like to express his facial emotion, but I just have to express just natural. I just have to express his emotion with my eyes. And it’s very hard for me as Sarawat.”

At kahit first timer sa pag arte, inamin ni Win na gusto niya ang kaniyang ginagawa bilang isang aktor.

“Acting is very interesting, I really wanted to try so, here we go I try,” ani Win.

Dahil sa success ng “2gether” thankful ang Thai actors sa suporta na kanilang natatanggap mula sa kanilang mga fans.

At kung tatanungin naman kung ano para sa kanila ang message ng love story ni Sarawat at Thine, ito ang kanilang naging sagot.

“For me, love has no definition. It has many forms and love has no Gender and for this, it’s just man to man,” sabi ni Bright.

Si Win naman: “I think, in my opinion like love is love. Love is not about gender love is not about an ideal thing, love is about love and even in the series is shows that Thine itself that he likes girls before and then he changed and loved Sarawat.”

Sa ngayon, patuloy na inaabangan ang kwento nina Thine at Sarawat sa mga huling episode ng “2gether” na napapanood sa YouTube Channel ng GMMTV.

Hoping ang mga Thai actors na makapunta sa Pilipinas para bisitahin ang magagandang beach sa bansa at makilala ang kanilang mga Pinoy fans.