• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-focus muna sa SEA Games si Johnvic De Guzman bilang parte ng Philippine Volleyball team.

EXCLUSIVE: After being RP’s volleyball team captain, Johnvic De Guzman wants to explore acting again

Nag-focus muna sa SEA Games si Johnvic De Guzman bilang parte ng Philippine Volleyball team.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/08/2020 02:12 PM
EXCLUSIVE: After being RP’s volleyball team captain, Johnvic De Guzman wants to explore acting again

Ayon sa celebrity athlete na si Johnvic De Guzman, ang team captain ng national men’s volleyball team na nag-compete sa 30th SEA Games held last year, hindi pa rin niya kinakalimutan ang pag-arte at ang pangarap niyang maging artista.

“Hindi po. Nagkataon lang po na last year po dahil SEA Games, tapos tayo pa ang host, kaya po nag-commit talaga po ako sa National Team na focused po muna ako sa kanila,” katwiran ng binata na isa sa mga bumida sa 2016 Metro Manila Film Festival entry na Seklusyon directed by Erik Matti.

Patuloy niya, “Saka yun nga po, ako po ang Team Captain so hindi rin po magandang example kung puyat po ako sa shooting tapos po diretso training. Kaya po for the meantime, eh, nag-volleyball po muna ako. But of course po given a chance na makabalik, ituloy ko pa rin po yung pangarap ko na mag-artista po.”


Aminado rin si Johnvic na kahit papaano ay na-miss din talaga niya ang pag-arte.

“Sobrang na-miss ko po ang pag-arte. After po ng Seklusyon, nag-Class of 2018 ako sa T-Rex, tapos nag-Wild and Free naman sa Regal. After po no’n may mga offers po, kaya lang hindi po kakayanin ng schedule kasi naging twice a day po ang training sa National Team,” sambit niya.

Ngayong meron na siyang panahon sa showbiz dahil tapos na ang SEA Games at wala munang mga volleyball events dahil sa “new normal” dahil sa COVID-19 ay posible raw na mag-concentrate muna siya sa showbiz.

“Definitely po gusto ko pong mag-explore pa ng bigger roles sa film. Pagbalik na pagbalik po ng Manila naka-schedule na pong ituloy yung mga na-cancel na acting workshops ko,” lahad pa niya.

Sa Isabela inabutan ng lockdown si Johnvic kaya hindi niya nakasama sa Calamba, Laguna ang kanyang pamilya.

Kuwento niya, “Dapat po kasi four days lang po kami nila Ricci Rivero sa kanila kaya, lang ayun po inabutan ng lockdown. So, salamat po sa family nila sa pag-ampon po sa akin ng halos two months na po.

“Medyo po natakot ako kasi ang layo ko po sa pamilya ko. Pero buti na lang po nakakapag-usap po kami everyday sa zoom.”

Katulad ng marami, may realization din si Johnvic sa pinagdadaanang COVID-19 crisis ng bansa.

“Na-realize ko yung importansya ng oras sa pamilya. Kasi po marami sa atin laging busy or minsan mas marami pa ang oras sa barkada, yung mga ganitong sitwasyon po, eh, pamilya lang talaga ang makakasama mo.

“Isa pa po yung dapat handa po yung katawan natin para kung ano man pong virus ang dumating at walang vaccine pa, matibay po yung resistensya natin. Di pwedeng laging iaasa sa government yung pag-aalaga sa atin. Tayo po mismo ang dapat mag-alaga sa mga sarili natin,” pahayag ng NCAA MVP.

Pagdating sa personal na buhay ay aminado si Johnvic na siya ay single.

“Wala po talaga time sa love life, Tito, eh. And gusto ko rin po kasi kung sino man yung magiging susunod kong GF, eh, siya na yung pakakasalan ko. Kaya I’m taking my time po talaga para sure na sure once ma-in love ako ulit.

“Sa girl, siguro po kahit taga-showbiz or taga-sports din po, ang importante po yung maintindihan niya yung demands ng oras ko sa parehong industry, and siguro po yung babae na tanggap po na simple lang akong tao,” paliwanag ni Johnvic.

Si Johnvic na talent ng Virtual Playground ay isa sa bagong endorser ng Bench. Huli siyang napanood sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime bilang isa sa mga hurado sa Mini Miss U.