Coronation night ng Miss Universe PH, tuloy sa Oktubre

Prioridad muna ng MUP Organization ang pagtulong sa Pilipinong apektado ng ECQ ngayong may krisis sa COVID-19.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/8/2020 2:22 PM
Coronation night ng Miss Universe PH, tuloy sa Oktubre


Napagkasunduan ng pamunuan ng Miss Universe Philippines Organization na muling i-atras pa ang coronation night ng inaabangan na beauty pageant.

Matatandaan na kasabay sa pagharap sa krisis ng Pilipinas sa COVID-19 at pinapatupad na Enhanced Community Quarantine, unang napagdesisyunan ng MUP Organizers na gawin sana sa darating na Hunyo, 14, 2020 ang coronation night mula sa orihinal na petsa nito na Mayo 3, 2020.

READ: Coronation night ng Miss Universe PH, atrasado dahil sa COVID-19

Sa pamamagitan ng isang video statement nitong Mayo 5, inilahad ng Miss Universe Philippines National director na si Shamcey Supsup-Lee ang napagkasunduan nilang petsa ng coronation night para sa Miss Universe Philippines na gaganapin sa October, 2020.

 

What is next for Miss Universe Philippines this year? Watch this video to see the way forward we strongly believe in. We...

Posted by Miss Universe Philippines on Tuesday, 5 May 2020

 

Ayon sa statement ng MUP Organization, naniniwala sila na mas kailangan ng Pilipinas ngayon ang tulong ng bawat isa na higit sa tunay na kahulugan ng beauty queen.

“Before that, expect new groundbreaking activities that will lead up to the pageant night. It includes the online Learning Journeys of contestants for their enhanced training sessions, a special limited series called Ring Light that will give incredible access to the most important parts of the competition, and a special online film featuring the preliminary competition that will raise funds for many Filipinos.

“All these and more will be done as Miss Universe Philippines strives to play our part in the recovery and rebuilding of the Philippines from the pandemic by being a role model, a rallying point, and a harbinger of hope for the Filipinos who are all truly phenomenal!,” bahagi ng statement ng MUP Organization sa Facebook post.

Si Gazini Ganados ang reigning Miss Universe Philippines at inaasahan na magpapasa ng korona sa unang kandidata na ipapadala ng Pilipinas sa Miss Universe stage.

Bukod sa Miss Universe Philippines, ilang local pageant na rin ang nag postponed ng kanilang coronation night bilang pagsunod sa Enhanced Community Quarantine.

READ: Pageant scene sa Pilipinas, apektado ng ECQ