Pumanaw na ang award winning director na si Peque Gallaga o Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga sa tunay na buhay.
Ayon sa impormasyon ng Inquirer.net kinompirma mismo ng kaanak ng direktor ang kanyang pagpanaw nitong umaga ng May 7, sa Riverside Medical Center sa Bacolod City.
Si Direk Peque ay 76 years old.
JUST IN: Multi-awarded Negrense filmmaker Peque Gallaga, 76, passed away at the Riverside Medical Center in Bacolod City this morning, his brother Dr. Ricky Gallaga confirmed. | @carlapgomezINQ pic.twitter.com/2RYywxWfKi
— Inquirer (@inquirerdotnet) May 7, 2020
Sa naging ulat ng kamakailan, nilinaw ng mga kaanak ng direktor na hindi dahil sa COVID-19 ang sanhi ng pagkaka ospital ng veteran director.
Ilan sa mga markadong pelikula ni Direk Peque ang "Scorpio Nights," "Unfaithful Wife," "Baby Love," "Magic Temple," at ang “Oro, Plata, Mata".