• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo remains hopeful that the wheel will soon turn in favor of ABS-CBN.

‘Iikot muli ang roleta’: Bea Alonzo pens emotional message following ABS-CBN closure

Bea Alonzo remains hopeful that the wheel will soon turn in favor of ABS-CBN.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/07/2020 09:06 AM
‘Iikot muli ang roleta’: Bea Alonzo pens emotional message following ABS-CBN closure
Photo credit: @beaalonzo IG

Kapamilya star Bea Alonzo paid tribute to ABS-CBN — her home network for the past two decades — as the largest media network closed down following a cease and desist order from the National Telecommunications Commission.

In a spoken word-style vertical video released on Instagram, Alonzo opened up about how ABS-CBN molded her into the actress that she is today — thanking the media giant for helping her fulfill her dreams.

“Naisipan kong sumulat kagabi. Para sa dalawang dekada,” she wrote in the caption.


“Isang sulat para sa aking tahanan,

hindi man magaling, susubukan pa rin.

maiparating lamang ang nilalaman ng damdamin.

Isa itong parinig.

Mali.

Isa itong reklamo.

Mali.

Isa itong pagpuna.

Mali. 

Isa lamang itong pagbabalik tanaw kung paano ba nagkamuwang

at nabuo ang pagkatao sa piling ng mga taong pinagkakatiwalaan

at sa lugar na tinuring nang tahanan.

Nagsimulang mangarap nung bata pa lang na humarap sa madla

at magkaroon ng puwang sa industriyang hinahangaan. 

 

Ilang minuto

Ilang segundo

Ilang hakbang

Ilang hinga

Ilang luha

Ilang sakit

Ilang ngiti

Ilang pighati

kayo ang pinipili. 

Na para bang isang batang hindi marunong sa mundo

walang muwang nag-uumpisang gumapang hanggang sa tulong mo,

ako’y natuto nang tumayo.

 

unti-unti

isang hakbang pagkatapos ng isa,

at isa pa,

at isa pa, 

Lumakad papunta sa daang gustong tahakin,

hindi naging madali,

madalas nadadapa, madalas natatapilok.

pero isa lang ang laging sigurado,

may kamay na aakay sayo.

may ilaw na laging gagabay sayo.

 

Pero hindi din perpekto ang daan,

minsan nakikita mo na lang ang sarili mong parang nasa roleta,

minsan nasa’y itaas, minsan nasa’y ibaba,

pero ang laging natatanaw, pula, berde at bughaw.

 

Lumaking hindi buo ang pamilya,

laging may kulang,

pero lagi kayong nandiyan para magpuno ng kulang,

kulang,

kulang sa oras para sa pamilya,

kulang ang oras para magawa ang serbisyo,

kulang ang oras para magpahinga.

pero lahat ng yun ay pinagdaanan dahil magkakasama tayo.

 

hindi batid ang pagod at puyat

dahil alam na mas masarap ang hatid nitong ngiti

at saya sa pamilya na kasakasama

mula sa kahon na pinagmumulan ng ligaya at pag-asa.

 

Di alintana ang distansya.

Ilang minuto

Ilang segundo

Ilang hakbang

Ilang hinga

Ilang luha

Ilang sakit

Ilang ngiti

Ilang pighati

kayo ang pinipili. 

Nagkaroon ng tapang para harapin ang buhay,

habang kumakaway sa dating ako.

Sino nga ba ako?

madalas na tanong.

Isa lang ang alam na siguradong sagot

Isa akong kapamilya,

halos dalawang dekada, kayo ang kasama

Nakilala ang sarili, gamit sina Basya at Bobbie

marami pang ibang naging instrumento para mahukay ang tunay na pagkatao.

Sila ay ako. 

Sila

ay kayo.

Pula. berde. bughaw.

iikot muli ang roleta ng buhay

Hindi laging nasa ibaba.

umaasang iikot muli ang roleta.

Hanggang sa muli,

Kapamilya”

 

Meanwhile, some of Bea’s closest celebrity friends, Dimples Romana and Enchong Dee, commended her work.

“Sobrang ganda @beaalonzo umiiyak akong nabuhayan ng loob. Hanggang sa muli, Kapamilya,” Dimples stated.

Enchong, on the other hand, wrote: “This is beautiful, Bei. Admiring you more than a while ago. I love this.”

Bea, whose iconic roles “Basha” and “Bobbie” defined her career over the past two decades, said she believes the wheel will soon turn in favor of ABS-CBN. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Naisipan kong sumulat kagabi. Para sa dalawang dekada. ❤️💚💙

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

ABS-CBN went off the air last Tuesday, May 5 following a cease and desist order from the National Telecommunications Commission (NTC).